Seguridad ni Quiboloy kung susuko, tiniyak ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaang pagkalooban ng seguridad si Pastor Apollo Quiboloy kung siya ay susuko.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo kasabay ng pagsabi na ang pagtiyak ay galing mismo kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na walang nakikita ang PNP na banta sa buhay ng Pastor.

Apela naman ng PNP sa mga tagasunod ni Quiboloy na tumulong sa pagkumbinsi sa kanilang lider na sumuko na.

Una nang inihayag ng abogado ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Atty. Israelito Torreon na nangangamba si Quiboloy na dadamputin siya ng mga Amerikano para panagutin sa kinakaharap niyang hiwalay na kaso sa Estados Unidos, kung siya ay susuko.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us