Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo ang seguridad ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy, at iba pang high-profile inmate sa PNP Custodial Facility.
Ayon kay Fajardo, magkakalayo at hindi nagkakakitaan ang mga detainee na nakapiit sa pasilidad.
Sa katunayan ani Fajardo, tig-iisa silang selda at hiwalay ang babae sa lalake sa loob ng piitan; at sa tuwing pinalalabas sila para magpahangin at magpa-araw ay hindi pa rin sila nagkikita-kita.
Malayo din aniya sina Quiboloy at dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa mga terorista, at ASG members na nakapiit sa PNP custodial facility.
Paliwanag ni Fajardo, nagkaroon na ng security adjustment sa custodial facility simula noong ma-hostage si dating Senator Leila de Lima ng ASG member sa loob mismo ng kanyang selda noong 2022. | ulat ni Leo Sarne