Nanawagan si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na dapat pangalanan na ang sinasabing dating hepe ng pambansang pulisya na kasama sa payola ng mga POGO.
Ginawa ng senador ang pahayag na ito sa isang panayam matapos ang kanyang blood letting activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Giit ni Revilla, hindi patas para sa dating mga naging hepe ng pambansang pulisya kung hindi masasapubliko ang pagkakakilanlan ng tinutukoy ni PAGCOR Vice President for Security at retired General Raul Villanueva.
Kapag ganito kasi ay napagdududahan ang buong PNP na sangkot sa iligal na aktibidad.
Matatandaang sa pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa operasyon ng mga iligal na POGO, inihayag ni Villanueva na may lumulutang na impormasyon sa intelligence community na may dating PNP chief ang tumatanggap ng payola mula sa mga POGO.| ulat ni Nimfa Asuncion