Muling nagpakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat Dam sa Luzon ngayong tanghali habang nararamdaman pa ang epekto ng Bagyong #JulianPH.
Ayon sa PAGASA Hydro-Meteorology division, isang gate ang binuksan sa Ambuklao dam at nagdi- discharge ng tubig ng hanggang 33 Cubic Meters per Second(CMS).
Habang ang Binga dam ay nagpapakawala ng 38 CMS at 165 CMS sa Magat dam .
Dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao dam, posibleng maapektuhan ang Barangay Ambuklao sa Bokod Benguet
Posible ding maapektuhan ng Binga Dam ang Barangay Dalupirip at Tinongdan sa Itogon Benguet.
Pinag-iingat din ang mga residente sa ilang munisipalidad sa Isabela, partikular na sa Alfonso Lista (Ifugao), Ramon, San Mateo, Aurora, Cabaruan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguillan at Gamu dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Magat dam.| ulat ni Rey Ferrer