Naideliver na ng Miru System Company Limited sa National Printing Office ang isang HP Printer na gagamitin para sa paggawa ng mga balota sa 2025 Midterm election.
Kaninang umaga, pormal na tinanggap ng NPO sa Edsa Quezon City ang nasabing makina.
Unang makina pa lamang ito at nakatakdang ideliver ng Miru System Company Limited ang isa pang makina sa susunod na linggo.
Itinakda naman ng Commission on Election ang pag-inspeksyon sa nasbaing makina pagkatapos na ma-assemble ito.
Sabi ng Comelec, nakakasunod sa itinakdang panahon ang Miru System Company Limited para sa pag deliver ng mga Automated Counting Machine at printing machine. | ulat ni Michael Rogas