Hinimok ng Office of the Chancellor ng University of the Philippines, Diliman ang mga faculty member na magpatupad ng remote o asynchronous mode ng klase bukas, Setyembre 24.
Pahayag ito ng pamunuan ng UP kasunod ng inaasahang pagpapatuloy ng transport strike ng Manibela at Piston jeepney.
Pinapayagan din ang mga unit head na magpatupad ng work-from-home arrangement.
Maliban na lamang sa mga unit na may essential functions tulad ng Health Service, Public Safety and Security Office, UP Diliman Police, Social Security Services, Campus Maintenance Office at Transportation Management Office. | ulat ni Rey Ferrer