Mananatili sa PNP Custodial Center si Apollo Quiboloy sa kabila ng utos ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na ilipat ng piitan ang Pastor at mga kapwa-akusado nito.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na ipaalam nila sa QC RTC Branch 106 na may kautusan din ang Pasig RTC na manatili sa PNP Custodial Center si Quiboloy.
Makikipag coordinate aniya ang PNP sa Department of Justice para magsumite ng kaukulang mosyon sa QC RTC ngayon ding araw.
Giit ni Fajardo, hindi ibibiyahe ng PNP si Quiboloy dahil sa security concerns.
Samantala, tuloy naman sa Byernes ng 8:30 ng umaga ang arraignment at pre trial ng mga akusado sa pamamagitan ng video conferencing para sa kasong child at sexual abuse. | ulat ni Leo Sarne