Isinusulong ng Department of Social Welfare and Development -Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang matatag na partnership sa mga ahensya ng gobyerno upang labanan ang kahirapan.
Ito ang binigyang diin ni 4Ps National Program Management Office Director Gemma Gabuya sa ginanap na Visioning and Convergence Planning Workshop sa Tagaytay City.
Tinalakay dito ang mga pamamaraan ng pagbabago, at polisiya upang mas lalo pang mapagbuti ang mga programa ng gobyerno kabilang na rito ang 4Ps ng DSWD.
Binigyang diin ni Director Gabuya ang kahalagahan ng workshop sa pagpapalago ng programa matapos maisabatas ang Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Law noong 2019.
Sinabi naman ni NEDA Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon, ang importansya ng ‘whole-of-nation’ strategy para sa implementasyon ng 4Ps program.
Mahalaga aniya ang’all hands on deck’ approach upang masugpo ang kahirapan at makamit ang hangarin para sa AmBisyon 2040.
Sa panig ni UNICEF Chief of Social Policy Maya Faisal, sinabi nito ang kahalagahan ng horizontal and vertical convergence upang mapanatili ang matatag na samahan at koordinasyon para sa pagsasaayos ng iba pang interbensyon mula sa national government agencies at local government units (LGUs). | ulat ni Rey Ferrer
: Philippine Star/ Michael Varcas