COMELEC-Iligan City, nagpaalala na walang extension sa paghahain ng COC para sa halalan 2025

Nagbigay ng paalala ang Commission on Elections (COMELEC)-Iligan City na wala nang extension para sa mga nais maghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa nalalapit na halalan sa Mayo 2025. Ayon kay Election Officer Atty. Anna Liza T. Barredo, mahalagang sundin ang itinakdang deadline upang matiyak ang maayos na proseso ng eleksyon. Ang paghahain… Continue reading COMELEC-Iligan City, nagpaalala na walang extension sa paghahain ng COC para sa halalan 2025

CamSur solon, umapela sa Senado na pagtibayin na ang panukalang social pension para sa lahat ng senior citizen

Bilang pakikiisa sa Elderly Filipino Week, nanawagan si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Senado na pagtibayin bago matapos ang 19th Congress, ang panukalang batas na magbibigay ng social pension, hindi lang sa indigent seniors ngunit sa lahat ng lolo at lola. Sa ilalim ng House Bill 10423 o Universal Special Pension para sa mga… Continue reading CamSur solon, umapela sa Senado na pagtibayin na ang panukalang social pension para sa lahat ng senior citizen

Malalimang pagrepaso sa pagkakadawit ng pangalan ni dating heneral at PCSO Board Sec. Wesley Barayuga sa drug watchlist, gumugulong na — PNP

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang malalimang pagrepaso sa kung paano napasama ang pangalan ng napaslang na dating heneral at dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga sa drug watchlist. Ayon sa PNP chief, hindi dapat nalalagay sa balag ng alanganin ang operasyon ng pulisya upang maitaguyod pa rin ang… Continue reading Malalimang pagrepaso sa pagkakadawit ng pangalan ni dating heneral at PCSO Board Sec. Wesley Barayuga sa drug watchlist, gumugulong na — PNP

Blue Alert status, nananatili sa CALABARZON kasunod ng panibagong aktibidad sa Bulkang Taal — OCD

Nakataas pa rin ang Blue Alert status sa rehiyon ng CALABARZON partikular na sa lalawigan ng Batangas bunsod pa rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal. Kahapon, October 2, nagsagawa ng emergency meeting ang Office of Civil Defense-CALABARZON makaraang magtala ng phreatomagmatic eruption ang bulkan. Tinalakay dito ang kasalukuyang kalagayan ng Bulkang Taal batay na rin… Continue reading Blue Alert status, nananatili sa CALABARZON kasunod ng panibagong aktibidad sa Bulkang Taal — OCD

Pinsala ng bagyong Julian sa agri sector, umabot na sa higit ₱36-M — DA

Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng aabot sa ₱36.34 milyong halaga ng pinsala sa sektor ng pagsasaka bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Julian. Batay sa inilabas na assessment report ng DA-DRRM Operations Center, karamihan sa napinsalang sakahan ay mula Ilocos Region at Cagayan Valley. Katumbas ito ng higit 500 na ektarya ng… Continue reading Pinsala ng bagyong Julian sa agri sector, umabot na sa higit ₱36-M — DA

Mataas na kumpiyansa ng publiko sa ‘Rice-for-All Program,’ ikinalugod ng DA

Tuloy ang plano ng Department of Agriculture (DA) na palawakin ang pagpapatupad nito ng ‘Rice-for-All’ at ₱29 Program na nag-aalok ng mas murang bigas sa mamamayan. Kasunod ito ng nakamit na positibong tugon ng programa sa pinakabagong survey mula sa political consultancy firm na Publicus Asia kung saan tinukoy ang Rice-for-All program ng administrasyong Marcos… Continue reading Mataas na kumpiyansa ng publiko sa ‘Rice-for-All Program,’ ikinalugod ng DA

Higit 9,000 graduates, bida sa 2024 Year-end Commencement Exercises ng PUP

Sinimulan nang kilalanin ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang tagumpay ng mga natatanging mag-aaral na nagsipagtapos sa 2024 Year-end Commencement Exercises. Nagsimula ang serye ng pagmamartsa ng PUP graduates kahapon, October 2 na isinagawa sa Philippine International Convention Center. Ayon sa PUP, nasa higit 9,000 PUP graduates mula sa Sta. Mesa Campus ang… Continue reading Higit 9,000 graduates, bida sa 2024 Year-end Commencement Exercises ng PUP

Red Cross, naka-alerto matapos makapagtala muli ng aktibidad sa Bulkang Taal

Naghahanda na ang Philippine Red Cross (PRC) para naman sa muling pag-aalburoto ng Bulkang Taal makaraang maitala ang panibagong pagsabog dito kagabi, October 2. Kasunod niyan, sinabi ni PRC Chair at CEO Richard Gordon na nagpatawag na siya ng emergency meeting sa mga service manager at department head para talakayin ang kanilang mga ilalatag na… Continue reading Red Cross, naka-alerto matapos makapagtala muli ng aktibidad sa Bulkang Taal

DOF, inaasahang makakakolekta ng ₱102-B simula 2025-2029 kasunod ng bagong batas na nagtatakda ng 12 percent VAT sa kapwa local at foreign digital service providers

Tintatayang aabot sa ₱102 bilyon sa loob ng limang taon ang makokolektang kita ng gobyerno sa pagsasabatas ng Value Added Tax (VAT) on Digital Services o RA 12023. Ngayong taon lamang, nasa ₱7.25 bilyon ang inaasahang malilikom na revenue collection sa 50 percent compliance pa lamang. Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang koleksyon ng… Continue reading DOF, inaasahang makakakolekta ng ₱102-B simula 2025-2029 kasunod ng bagong batas na nagtatakda ng 12 percent VAT sa kapwa local at foreign digital service providers

10 barangay ng Taguig, makaboboto na ng kanilang district representative sa Kamara matapos maglabas ng resolution ang COMELEC En Banc

Inanunsyo  ni Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia na opisyal nang makaboboto ang mga residente ng 10 barangay sa Taguig ng kanilang district representatives sa 2025 midterm elections. Ayon kay Chair Garcia, pinagtibay nila ang concurrent Resolution  No. 26 ng Kamara at Senado na isama ang 10 enlisted EMBO barangays mula Makati City sa legislative district… Continue reading 10 barangay ng Taguig, makaboboto na ng kanilang district representative sa Kamara matapos maglabas ng resolution ang COMELEC En Banc