Mga nabakunahang baboy kontra asf, 90% na ang antibodies — DA

Tumaas pa ang antibodies na taglay ng mga baboy na bakunado na kontra African Swine Fever (ASF). Ayon kay DA Assistant Secretary Dante Palabrica, halos isang buwan matapos ang rollout ng bakunahan kontra ASF, umabot na sa 90% ang antibodies ng mga baboy sa dalawang farms sa Lobo, Batangas. Nasa maayos din aniyang kondisyon ang… Continue reading Mga nabakunahang baboy kontra asf, 90% na ang antibodies — DA

OCD, tiniyak ang kahandaan ng pamahalaan na tumugon sa mga maaapektuhan ng muling pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga hakbang, pagtitiyak ng kaligtasan, at agarang pagpapaabot ng tulong sa mga lugar malapit sa Bulkang Taal. Pahayag ito ni OCD Administrator, Underseceetary Ariel Nepomuceno makaraang makapagtala na naman ng panibagong phreatomagmatic eruption ang Bulkang Taal nitong hapon ng… Continue reading OCD, tiniyak ang kahandaan ng pamahalaan na tumugon sa mga maaapektuhan ng muling pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Mahigit 2.6 na milyong mag-aaral, apektado ng bagyong Julian — DepEd

Tinatayang aabot sa mahigit 2.6 na milyong mag-aaral ang apektado, habang nasa ₱85-milyon naman ang pinsalang natamo ng mga paaralan dulot ng pananalasa ng bayong Julian. Batay ito sa ulat ng Department of Education (DepEd) mula sa 8,200 paaralan sa 37 Division sa limang rehiyon, partikular na sa Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, at… Continue reading Mahigit 2.6 na milyong mag-aaral, apektado ng bagyong Julian — DepEd

Kaso ng pagpaslang kay dating Police General at dating PCSO Board Sec. Wesley Barayuga, sisilipin na rin ng PNP-IAS

Pumasok na rin sa imbestigasyon ang Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa kaso ng pagpaslang kay dating Police General at PCSO Board Secretary Wesley Barayuga. Kasabay na rin ito ng pagsilip sa posibleng “cover-up” sa kaso na itinuring na bilang “cold-case” noong 2020 at nabuhay na mag-uli nang magsagawa ng pagdinig ang… Continue reading Kaso ng pagpaslang kay dating Police General at dating PCSO Board Sec. Wesley Barayuga, sisilipin na rin ng PNP-IAS

PMGen. Edgar Okubo, itinalagang No. 4 man ng PNP

Unti-unti nang pinupunuan ang mga bakanteng posisyon sa Command Group ng Philippine National Police (PNP). Ito’y matapos italaga ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil si Police Maj. Gen. Edgar Alan Okubo bilang The Chief of the Directorial Staff (TCDS). Batay sa General Orders mula sa Office of the Chief PNP, epektibo ang pagkakatalaga… Continue reading PMGen. Edgar Okubo, itinalagang No. 4 man ng PNP

Bentahan ng murang bigas sa NIA, maagang dinagsa ng mga mamimili

Maaga pa lang ay mahaba na ang pila ng mga mamimili sa bentahan ng murang bigas sa National Irrigation Administration (NIA) ngayong umaga. Bahagi pa rin ito ng Bagong Bayaning Magsasaka Rice na bunga ng Rice Contract Farming Program ng ahensya. Ayon sa NIA, 1,000 bags ng ₱29 per kilo ng bigas ang nakatakdang ibenta… Continue reading Bentahan ng murang bigas sa NIA, maagang dinagsa ng mga mamimili

DA, may nakahandang ₱164-M agri inputs para sa mga magsasakang apektado ng bagyong Julian

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang tulong na ilalaan para sa mga magsasakang apektado ng pagtama ng bagyong Julian. Ayon sa DA, kabilang sa inihahanda nito ang ₱164.27-milyong halaga ng agricultural inputs (rice, corn, and vegetable seeds) na mula sa Regional Offices nito sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Central Luzon. Mayroon ding… Continue reading DA, may nakahandang ₱164-M agri inputs para sa mga magsasakang apektado ng bagyong Julian

Quinta Committee, binuo sa Kamara para matutukan ang problema sa suplay at presyo ng pagkain sa bansa

Mula sa pagkakaroon ng Quad Committee, pinagtibay ng Kamara ang isang resolusyon para naman buoin ang isang Quinta Committee. Salig sa House Resolution 2036 na iniakda nina Speaker Martin Romualdez at House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, tututukan ng Quinta Committee ang pagtugon sa presyo at suplay ng pagkain. Ang Quinta Committee ay bubuohin ng… Continue reading Quinta Committee, binuo sa Kamara para matutukan ang problema sa suplay at presyo ng pagkain sa bansa

Taas-sahod sa 3 rehiyon sa bansa, welcome kay Sen. Joel Villanueva; pagsusulong ng living wage para sa mga manggagawa, iginiit

Itinuturing ni Senate Committee on Labor Chairperson Senador Joel Villanueva na positive development ang pag-apruba ng Regional Wage Boards sa Cagayan Valley, Central Luzon, at SOCCSKARGEN ng taas-sweldo sa mga manggagawa sa naturang mga rehiyon. Base sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE), inaprubahan ang dagdag na ₱30 sa minimum wage sa Cagayan… Continue reading Taas-sahod sa 3 rehiyon sa bansa, welcome kay Sen. Joel Villanueva; pagsusulong ng living wage para sa mga manggagawa, iginiit

Libreng ASF vaccine sa backyard hog raisers, makatutulong sa pagdami ng suplay ng baboy — solon

Naniniwala si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na mas mapapabilis ang pagdami muli ng suplay ng baboy kung mabibigyan ng libreng African Swine Fever (ASF) vaccines ang mga backyard hog growers. Punto ng mambabatas, ang backyard hog raisers ang bumubuo ng 70% hanggang 80% ng lokal na suplay ng baboy. Kasabay nito, pinuri din ng… Continue reading Libreng ASF vaccine sa backyard hog raisers, makatutulong sa pagdami ng suplay ng baboy — solon