Bulkang Taal, nagparamdam pa ng apat na phreatic eruption

Nagtala pa ng apat na phreatic eruption events ang Taal Volcano sa Batangas na tumagal ng isa hanggang anim na minuto ang haba hanggang kaninang madaling araw. Kasabay nito, ang dalawang volcanic earthquake kabilang ang isang volcanic tremor na tumagal ng pitong minuto. Sa nakalipas na 24 oras, nakapaglabas pa ang bulkan ng 3,276 tonelada… Continue reading Bulkang Taal, nagparamdam pa ng apat na phreatic eruption

Pagbigat ng daloy ng trapiko, inaasahan sa NLEX dahil sa ‘GUTS World Tour’ ni Olivia Rodrigo sa Philippine Arena

Nag-abiso na sa mga motorista ang North Luzon Expressway Corporation sa posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko sa NLEX. Kaugnay ito sa isasagawang “Guts World Tour” ng singer na si Olivia Rodrigo sa Philippine Arena mula ala una ng hapon hanggang alas dies ng gabi. Pinapayuhan ang mga magtutungo sa lugar, na maaari silang dumaan… Continue reading Pagbigat ng daloy ng trapiko, inaasahan sa NLEX dahil sa ‘GUTS World Tour’ ni Olivia Rodrigo sa Philippine Arena

Pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa bagyong JulianPH, lumobo na sa higit Php 551 Million— DA

Pumalo na sa Php 551.81 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng Super Bagyong #JulianPH. Batay sa assessment ng Department of Agriculture (DA), lubhang napinsala ang mga pananim na palay, mais, high value crops, pati na ang livestocks, poultry at irrigation facilities. Naitala ang grabeng pinsala sa Ilocos Region, Cagayan Valley… Continue reading Pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa bagyong JulianPH, lumobo na sa higit Php 551 Million— DA

Mga pamilyang nawalan ng bahay dahil sa bagyong #JulianPH, pagkakalooban ng tulong ng DHSUD

Sinisiguro ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na matutulungan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng bagyong #JulianPH. Sa ilalim ng DHSUD Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP), mabibigyan ng unconditional cash assistance ang mga apektadong pamilya. Ayon kay DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango, bawat pamilya na… Continue reading Mga pamilyang nawalan ng bahay dahil sa bagyong #JulianPH, pagkakalooban ng tulong ng DHSUD

PPCRV, positibo ang mga naging obserbasyon sa mga nagdaang araw ng COC filing para sa Halalan 2025

Ikinatuwa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang naging takbo ng nagdaang araw ng filing para sa Certificate of Candidacy (COC) para sa mga nais maging kandidato para sa 2025 elections. Ayon sa grupo, kontento ito sa mga isinasagawa ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa pagiging bukas at transparent nito kumpara… Continue reading PPCRV, positibo ang mga naging obserbasyon sa mga nagdaang araw ng COC filing para sa Halalan 2025

Gobiyerno, sisiguruhin na mananatiling mura ang bilihin para maging “merry” ang pasko ng lahat ng mga Pilipino— Finance Sec. Recto

Gagawin lahat ng gobiyerno ang mga hakbang upang mapanatiling mura ang bilihin upang maging merry ang pasko ng mga Pilipino. Ginawa ni Finance Sec. Ralph Recto ang pahayag kasunod ng 1.9 September inflation outturn— pinakamababang inflation sa loob ng 4 na taon. Sinabi ni Recto, may mga bagong “interventions” para tugunan ang food and non-food inflation.… Continue reading Gobiyerno, sisiguruhin na mananatiling mura ang bilihin para maging “merry” ang pasko ng lahat ng mga Pilipino— Finance Sec. Recto

NEA, may dalawa pang EC na napinsala ng bagyong Julian ang sumasailalim pa sa monitoring

Dalawang Electric Cooperative na lang ang sumasailalim sa monitoring ng National Electrification Administration matapos mapinsala ng Super Typhoon #JulianPH. Hanggang kahapon, Oktubre 4, nakakaranas pa rin ng partial power interruption ang BATANELCO o Batanes Electric Cooperative. Habang kababalik lamang sa normal na operasyon ang INEC o Ilocos Norte Electric Cooperative matapos ang ganap na pagkumpuni.… Continue reading NEA, may dalawa pang EC na napinsala ng bagyong Julian ang sumasailalim pa sa monitoring