3 NPA, patay sa operasyon ng Militar sa Lanao del Sur; matataas na kalibre ng armas, nasamsam

Muling nakapuntos ang Pamahalaan sa laban nito kontra mga Communist Terrorist Group (CTGs). Ito’y matapos mapatay ng mga tropa ng Pamahalaan ang 3 miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa engkuwentro nila sa Sitio Bagong Silang, Brgy. Manila, bayan ng Kapai, Lanao del Sur. Batay sa ulat ng Joint Task Force ZamPeLan ng… Continue reading 3 NPA, patay sa operasyon ng Militar sa Lanao del Sur; matataas na kalibre ng armas, nasamsam

Mga armadong grupo, mahigpit na tututukan ng PNP ngayong papatapos na ang paghahain ng kandidatura

Naglabas ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa lahat ng mga opisyal nito na paka-tutukan ang mga armadong grupo na magtatangkang sirain ang mapayapang pagdaraos ng halalan sa Mayo ng susunod na taon. Ginawa ng PNP chief ang pahayag sa ngayong bisperas ng deadline sa paghahain ng Certificates of… Continue reading Mga armadong grupo, mahigpit na tututukan ng PNP ngayong papatapos na ang paghahain ng kandidatura

Pilipinas, Amerika, nagsanib puwersa sa pagpapadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Batanes

Sanib-puwersang ipinadala ng Amerika at Pilipinas ang tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa lalawigan ng Batanes. Batay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), aabot sa pito at kalahating toneladang essential supplies ang isinakay sa C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) mula Villamor Airbase sa Pasay City patungong Basco.… Continue reading Pilipinas, Amerika, nagsanib puwersa sa pagpapadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Batanes

Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pasig Mega Market, bahagyang tumaas

Ramdam agad ang epektong dulot ng bagyong Julian sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pasig City Mega Market ngayong Lunes. Ito’y ilang araw matapos itong manalasa sa hilagang bahagi ng Luzon kabilang na ang Cordillera Administrative Region kung saan nagmumula ang karamihan sa mga gulay gayundin sa CALABARZON kung saan naman nagmumula ang ilang… Continue reading Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pasig Mega Market, bahagyang tumaas

Animal-assisted therapy para sa mga kababaihan sa residential care facilities, inilunsad ng DSWD at PAWS

Nag-partner ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para sa paglulunsad ng ‘Angel Pets’ o animal-assisted therapy program para sa mga bata at kababaihang nasa pangangalaga ng residential care facilities ng ahensya. Nilagdaan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at PAWS Executive Director Anna Cabrera ang isang Memorandum of… Continue reading Animal-assisted therapy para sa mga kababaihan sa residential care facilities, inilunsad ng DSWD at PAWS

Pinsala sa electric coops bunsod ng Super Typhoon Julian, sumampa na sa ₱20-M — NEA

Umabot na sa ₱20.5-milyon ang naitalang halaga ng pinsala sa mga pasilidad ng electric cooperatives bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Julian. Ayon sa National Electrification Administration (NEA), ang Batanes Electric Cooperative, Inc. (BATANELCO) ang may pinakamalaking pinsala kung saan tatlong bayan nito ang nakaranas ang total power interruptions kabilang ang Mahatao, Ivana, at Uyugan.… Continue reading Pinsala sa electric coops bunsod ng Super Typhoon Julian, sumampa na sa ₱20-M — NEA

Dismissed Mayor Alice Guo, mahaharap sa dagdag na kaso kung itutuloy ang pagtakbo sa 2025 Elections

Binalaan ni Senate Committee on Women Chairperson Senador Risa Hontiveros si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na mahaharap ito sa dagdag na mga kaso kung itutuloy ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para makatakbo sa 2025 Midterm Elections. Binigyang-diin ni Hontiveros na kung tatakbo pa rin si Guo ay mahaharap ito sa kasong… Continue reading Dismissed Mayor Alice Guo, mahaharap sa dagdag na kaso kung itutuloy ang pagtakbo sa 2025 Elections

Karagdagang 1,000 family food packs, ipinadala ng DSWD sa Batanes

Walang tigil pa rin ang relief efforts ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Batanes na labis na hinagupit ng Bagyong Julian. Sa tulong ng US military aircraft, karagdagang 1,000 family food packs ang ipinadala ng DSWD sa Batanes para sa mga apektadong pamilya sa lalawigan. Ayon sa DSWD, bahagi ito… Continue reading Karagdagang 1,000 family food packs, ipinadala ng DSWD sa Batanes

Roman Catholic Diocese of Kalookan, binati si Cardinal-designate Pablo David

Ipinagmalaki ng Roman Catholic Diocese of Kalookan si Bishop Pablo Virgilio “Ambo” S. David matapos italaga ni Pope Francis bilang Cardinal. Si Cardinal-designate David ay ang ika-10 Filipino Cardinal ng Simbahang Katolika. Mas kilala siya bilang “Bishop Ambo” at ang kasalukuyang Obispo ng Diocese ng Kalookan na isa sa pinakamaliit na diyosesis sa Pilipinas. Siya… Continue reading Roman Catholic Diocese of Kalookan, binati si Cardinal-designate Pablo David

Metro Manila, ilang karatig lalawigan, patuloy na uulanin ngayong umaga — PAGASA

Asahan ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan. Sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA na inilabas kaninang 5:10 AM, maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa Laguna, Rizal, Quezon, at Bulacan. Ayon sa PAGASA, iiral ang thunderstorm sa loob ng… Continue reading Metro Manila, ilang karatig lalawigan, patuloy na uulanin ngayong umaga — PAGASA