Pag-iral ng panahon ng Southwest moonson o Habagat, natapos na— PAGASA

Idineklara na ng PAGASA-DOST ang pagtatapos ng Southwest Monsoon o Habagat season. Ito’y matapos magpakita ng makabuluhang paghina ng Habagat sa nakalipas na ilang araw. Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, ang paglakas ng high-pressure system sa East Asia ay naobserbahan na at ang unti-unting pagbago ng pattern ng panahon sa bansa. Dahil dito, nasa… Continue reading Pag-iral ng panahon ng Southwest moonson o Habagat, natapos na— PAGASA

Rep. Tambunting, iginagalang ang desisyon ng kaniyang kasamahang party-list solon na makalaban siya sa 2nd district ng Parañaque

Iginagalang ni incumbent Parañaque 2nd District Rep. Gus Tambunting ang desisyon ng kasamahang mambabatas na si Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan na tumakbo sa kaparehong distrito. Aniya dito makikita na buhay ang demokrasya sa bansa. Kung sa tingin aniya ng kapwa mambabatas na mas magiging epektibo sya bilang district representative kaysa party-list solon ay… Continue reading Rep. Tambunting, iginagalang ang desisyon ng kaniyang kasamahang party-list solon na makalaban siya sa 2nd district ng Parañaque

DSWD, nakipag-partner sa malalaking pribadong korporasyon para sa ilulunsad na ‘Walang Gutom Kitchen’

Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Inanunsiyo na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pilot launching ng “Walang Gutom Kitchen” sa pagtatapos ng taong 2024. Inaasahan dito ng DSWD ang malawakang pagtutulungan ng mga private corporation na hinimok na mag donate ng goods sa food bank ng kusina. Ipinaliwanag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga detalye ng… Continue reading DSWD, nakipag-partner sa malalaking pribadong korporasyon para sa ilulunsad na ‘Walang Gutom Kitchen’

Mahigit 1,300 OFWs na apektado ng giyera ng Israel at grupong Hamas, nakauwi na sa Pilipinas

Isang taon makalipas ang madugong giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas, umabot na sa mahigit 1,300 na overseas Filipino workers (OFWs) ang nakauwi sa bansa. Sa isang pulong balitaan sa Mandaluyong City, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. nagpapatuloy ang repatriation efforts… Continue reading Mahigit 1,300 OFWs na apektado ng giyera ng Israel at grupong Hamas, nakauwi na sa Pilipinas

Isinasagawang business-friendly reforms, maglalatag ng red carpet para sa investors sa bansa – DOF Recto

Committed ang administrasyong Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang dialogue sa Foreign Chamber of the Philippines upang paghusayin ang mga polisiya sa pamumuhunan. Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto, ang mga isinasagawang business-friendly reforms ang maglalatag ng red carpet para sa mga papasok na investor sa bansa. Kabilang sa mga reporma na ibinahagi… Continue reading Isinasagawang business-friendly reforms, maglalatag ng red carpet para sa investors sa bansa – DOF Recto

DHSUD, nagbukas ng housing fair sa pagdiriwang ng National Shelter Month

Binuksan ngayong araw ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang “housing fair” kasabay ng pagdiriwang ng National Shelter Month 2024. Tema ng selebrasyon ang “Matibay na Tahanan, Matatag na Komunidad para sa Bagong Pilipinas.” Ang housing fair ay bukas sa publiko mula ngayong araw, Oktubre 7 hanggang 11. Inaalok dito ang serbisyo… Continue reading DHSUD, nagbukas ng housing fair sa pagdiriwang ng National Shelter Month

3.8-M na mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa, target mabakunahan sa Bakuna Eskwela Program

Inilunsad ngayong araw ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) ang “Bakuna Eskwela.” Isa itong kampanya ng pagbabakuna na naglalayong protektahan ang mga batang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan laban sa tigdas, rubella, tetanus, diphtheria (MR, Td), at human papillomavirus (HPV) na sanhi ng cervical cancer. Target ng Bakuna Eskwela na mabakunahan… Continue reading 3.8-M na mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa, target mabakunahan sa Bakuna Eskwela Program

Dating Rep. Erice hinamon si Uy ng debate hinggil sa isyu ng Miru-Smartmatic

Nais maka-debate ni dating Representative Edgar Egay Erice si Representative Mitch Cajayon Uy. Ito ay hinggil sa usapin ng Smartmatic at Miru Systems na pawang mga kumpanyang nasa likod ng voting machines na ginamit at gagamitin ng bansa sa eleksyon. Ito ang naging tugon ni Erice matapos itong akusahan ni Cajayon-Uy na nakikinabang sa Smartmatic,… Continue reading Dating Rep. Erice hinamon si Uy ng debate hinggil sa isyu ng Miru-Smartmatic

Konektadong Pinoy Act, maaaring palawakin ang digital divide — consumer group

Nagbabala ang isang  consumer network na maaaring palubhain ng panukalang Konektadong Pinoy Act ang digital divide sa bansa dahil ang bill ay hindi nagtataglay ng mga hakbang na mag-aatas sa mga bagong player sa telecommunications space sa bansa na mag-invest sa mga liblib na lugar. Sa isang statement sa Facebook, sinabi ng CitizenWatch Philippines na… Continue reading Konektadong Pinoy Act, maaaring palawakin ang digital divide — consumer group

Incumbent Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro, naghain na ng COC para sa pagka-alkalde ng lungsod

Opisyal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw si Incumbent Marikina City 1st District Representative Maan Teodoro para sa pagka-alkalde ng lungsod sa darating na 2025 midterm elections. Kasamang nagsumite ng COC ni Teodoro ang kaniyang running-mate na si Marion Andres, na tatakbo bilang bise-alkalde ng Marikina gayundin ang kanilang ibang kaalyado… Continue reading Incumbent Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro, naghain na ng COC para sa pagka-alkalde ng lungsod