EDCA, napagtibay sa paghahatid ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Batanes

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Estados Unidos para sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Julian sa Batanes. Magkatuwang ang Philippine Air Force (PAF), Northern Luzon Command (NOLCOM) at US III Marine Expeditionary Troops sa paghahatid ng relief supplies na suportado ng US Indo-Pacific Command at USAID.… Continue reading EDCA, napagtibay sa paghahatid ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Batanes

Clark Aviation Campus, inaasahang makalilikha ng mas maraming trabaho

Inanunsyo ng Clark International Airport Corporation ang bagong inisyatiba nito na lumikha ng mga kuwalipikado at high performing personnel na pasok sa global demand sa mga manggagawa sa industriya ng aviation. Ito’y sa pamamagitan ng paghulma ng mga magagaling na tauhan para sa kanilang state of the art facilities na pagmamay-ari ng Pamahalaan. Batay sa… Continue reading Clark Aviation Campus, inaasahang makalilikha ng mas maraming trabaho

Panukala na huwag nang patawan ng buwis ang mga electric vehicles, umusad na sa Kamara

Mai-aakyat na sa plenaryo ng Kamara ang panukala na layong gawing abot kaya ang electric vehicles at bawasan ang greenhouse gas emission sa bansa. Sa ilalim ng House Bill 10960, aamyendahan ang Electric Vehicle Industry Development Act upang linawin na ang electric vehicles (EV) ay maaaring two-wheeled, three-wheeled, o four-wheeled vehicle o katulad na sasakyan… Continue reading Panukala na huwag nang patawan ng buwis ang mga electric vehicles, umusad na sa Kamara

Catanduanes Gov. Joseph Cua, naghain ng kandidatura para sa pagka-alkalde ng Virac

Bagama’t may isang termino pa si Catanduanes Governor Joseph Cua, nagpasya siyang tumakbo sa 2025 Midterm Elections bilang Mayor ng Virac. Sa huling araw ng COC filing kahapon, naghain siya ng kaniyang Certificate of Candidacy sa tanggapan ng COMELEC Virac. Kaugnay nito, naghain naman ng kandidatura sa pagka-Gobernador ang kanyang kapatid na si Incumbent Vice… Continue reading Catanduanes Gov. Joseph Cua, naghain ng kandidatura para sa pagka-alkalde ng Virac

11 baybayin sa bansa, positibo sa red tide

Pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa 11 baybayin na positibo sa red tide toxin. Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng Daram Island, Zumarraga Island, Irong-Irong Bay, Cambatutay Bay sa Samar;… Continue reading 11 baybayin sa bansa, positibo sa red tide

Pahayag ni FPRRD na handa siyang humarap sa Quad Committee, welcome sa Human Rights panel chair ng Kamara

Itinuturing ni Manila Representative Bienvenido Abante Jr. na “welcome development” ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang humarap sa Quad Committee ng Kamara. Sa panayam kay Abante, sinabi niya na ang pagpapahayag lang ng dating Pangulo ng intensyon na dumalo sa kanilang pagdinig ay malaking bagay na. “Sa amin, yung positive… Continue reading Pahayag ni FPRRD na handa siyang humarap sa Quad Committee, welcome sa Human Rights panel chair ng Kamara

Turnover ceremony para sa bagong DILG secretary, isinagawa

Pormal nang isinalin ni outgoing Secretary Benhur Abalos sa bagong talagang kalihim na si Secretary Jonvic Remulla ang pamumuno sa Department of Interior and Local Government (DILG). Isinagawa ang turnover ceremony para sa bagong kalihim ng DILG ngayong umaga sa DILG-Napolcom Center sa Quezon City. Present sa turnover si Philippine National Police (PNP) Chief General… Continue reading Turnover ceremony para sa bagong DILG secretary, isinagawa

Insidente ng pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao, itinuturing na ‘isolated case’ ng PNP

Itinuturing na isolated case ng Philippine National Police (PNP) ang nangyaring pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao na ikinasugat ng tatlong indibidwal. Ito’y sa kasagsagan ng paghahain ng Certificates of Candidacy (CoC) ng mga nagnanais tumakbo para sa Halalan 2025. Nabatid sa ulat ng Joint Task Force Central (JTF-Central) ng Armed Forces of the Philippines… Continue reading Insidente ng pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao, itinuturing na ‘isolated case’ ng PNP

Team Sali ng lalawigan ng Tawi-Tawi, nagsumite ng kandidatura sa huling araw ng COC filing

Nag-motorcade ang team Sali mula sa kanilang tahanan sa Kasulutan, Bongao, papuntang tanggapan ng Comelec-Tawi-Tawi upang isumite ang kandidatura sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy. Tatakbo muli sa parehong posisyon si incumbent Rep. Hadji Dimszar Sali, ang pinsan nitong si incumbent Vice Governor Al-Syed Sali para sa ikalawang termino, at ang incumbent… Continue reading Team Sali ng lalawigan ng Tawi-Tawi, nagsumite ng kandidatura sa huling araw ng COC filing

Presyo ng ilang gulay mula norte sa Agora Public Market sa San Juan City, bahagyang nagtaas

Naglalaro sa ₱5 hanggang ₱10 ang itinaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Agora Public Market sa San Juan City. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nakitaan ng bahagyang pagtaas ang presyo ng ilang highland vegetable gaya ng carrots na nasa ₱110 na ngayon ang kada kilo. Gayundin ang repolyo at pechay-Baguio na kapwa tumaas… Continue reading Presyo ng ilang gulay mula norte sa Agora Public Market sa San Juan City, bahagyang nagtaas