Dahil sa Barayuga murder case, mga naging biktima ng EJK isa-isa nang gustong magsabi ng kanilang malagim na karanasan sa war on drugs — Joint Panel Chair

Sinabi ni Quad Committee Chair at Surigao Del Sur Representative Robert Ace Barbers na naging insipirasyon ng mga biktima ng extra judicial killings (EJK) ang “Barayuga Murder Case” kaya sila lumalapit upang isiwalat ang kanilang naging karanasan sa “war on drugs.” Sa 8th Joint Hearing ng House Quad Committee, dumalo ang mga biktima at pamilya… Continue reading Dahil sa Barayuga murder case, mga naging biktima ng EJK isa-isa nang gustong magsabi ng kanilang malagim na karanasan sa war on drugs — Joint Panel Chair

Kerwin Espinosa handang bawiin ang mayoralty bid bilang patotoo na di politika ang pagtestigo laban sa EJK

Nanindigan ang suspected drug lord na si Kerwin Espinosa na walang halong politika ang kaniyang pagharap sa Quad Committee laban sa extra judicial killings (EJK). Nausisa kasi ni Quad Committee co-chair Dan Fernandez si Espinosa kung ano ang nag-udyok sa kaniya na tumestigo laban sa EJK. Hindi kasi aniya maisasantabi na makwestyon nilang mga mambabatas… Continue reading Kerwin Espinosa handang bawiin ang mayoralty bid bilang patotoo na di politika ang pagtestigo laban sa EJK

DND, hinihiling sa Senado na malagay ng buo sa programmed funds ang pondo para sa AFP Modernization program

Umaapela ang Department of National Defense (DND) sa Senado na mailipat sa programmed appropriations ang buong pondo para sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa ilalim kasi ng 2025 National Expenditure Program (NEP) nasa P75 billion ang budget allocation para sa AFP modernization program… P50 billion lang ang nasa programmed appropriations… Continue reading DND, hinihiling sa Senado na malagay ng buo sa programmed funds ang pondo para sa AFP Modernization program

House Quad Committee, nangakong maisisilbi ang hustisiya sa pamilya ng naulila ng mga biktima ng EJK

Nangako si House Quad Committee lead panel Chairperson Robert Ace Barbers tutulong sila upang makamit ang hustisya ng mga pamilya ng biktima ng extra judicial killing (EJK) noong war on drugs ng dating administrasyon. Ayon kay Barbers, hindi hihinto ang Quad Committee at gagawin ang kanilang tungkulin bilang mambabatas hanggat hindi nila nakakamit ang hustisya.… Continue reading House Quad Committee, nangakong maisisilbi ang hustisiya sa pamilya ng naulila ng mga biktima ng EJK

DMW, inatasan na ibigay ang lahat ng tulong para sa OFWs na apektado ng lumalang tensyon sa Lebanon

Inihayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang ahensya ng pamahalaan na i-mobilized ang mga asset nito upang tulungan ang mga apektadong overseas Filipino workers (OFW) sa Lebanon. Ito ay sa gitna na rin ng lumalalang tensyon sa… Continue reading DMW, inatasan na ibigay ang lahat ng tulong para sa OFWs na apektado ng lumalang tensyon sa Lebanon

PNP at 2 logistics company, nagsanib-puwersa vs drug trafficking sa bansa

Pormal na lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Philippine National Police (PNP), JRS Business Corporation, at Transportify Philippines upang labanan ang drug trafficking sa bansa. Layunin ng kasunduang ito na palakasin ang kooperasyon at komunikasyon sa pagitan ng PNP at ng mga kumpanyang ito upang hadlangan ang paggamit ng courier services sa pagpapakalat ng… Continue reading PNP at 2 logistics company, nagsanib-puwersa vs drug trafficking sa bansa

Kerwin Espinosa, muling humingi ng tawad kay dating Sen. De Lima sa  pagdadawit sa kanya sa  iligal na droga

Humarap sa Quad Committee ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa ika-walong pagdinig ng komite. Aniya, nais lamang niyang makamit ang katotohanan at hustisya para sa pinaslang na ama na si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa. Dito, muli siyang humingi ng tawad kay dating Senator Leila De Lima na kaniyang idinawit sa iligal na… Continue reading Kerwin Espinosa, muling humingi ng tawad kay dating Sen. De Lima sa  pagdadawit sa kanya sa  iligal na droga

Temporary ban sa pag-import ng mga kambing mula sa US, inalis na ng DA

Maaari nang mag-angkat muli ng mga buhay na kambing mula sa Estados Unidos matapos alisin ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban. Matatandaang ipinatupad ang pansamantalang pagbabawal nito dahil sa pagkakadiskubre ng Q fever sa ilang imported na kambing mula sa US. Naging dahilan ito para patayin ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang… Continue reading Temporary ban sa pag-import ng mga kambing mula sa US, inalis na ng DA

2 Migrant Workers Offices, binuksan ng DMW sa Central Europe para sa mga OFW

Dalawang bagong Migrant Workers Offices (MWO) ang binuksan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Vienna, Austria at Budapest, Hungary. Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, layon ng mga bagong tanggapan na ito na masiguro ang mabilis at komprehensibong tulong para sa mga overseas Filipino worker (OFW), kabilang na ang legal, labor,… Continue reading 2 Migrant Workers Offices, binuksan ng DMW sa Central Europe para sa mga OFW

House Speaker, kinilala ang matagumpay na pakikipag-diyalogo ni PBBM sa world leaders sa ASEAN Summit

Kinilala ni Speaker Maritn Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang paninindigan na irespeto ang international law at rules-based order sa rehiyon upang maisulong ang kapayapaan, katatagan at kasaganahan. Saad ng lider ng Kamara, kapuri-puri ang malinaw at maprinsipyong pagtindig ng punong ehekutibo sa ASEAN Summit at bilateral meetings kasama ang iba pang… Continue reading House Speaker, kinilala ang matagumpay na pakikipag-diyalogo ni PBBM sa world leaders sa ASEAN Summit