Nananatili pa ring hindi available ang operasyon ng 11 transmission line facilities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon at Visayas na naapektuhan ng bagyong Kristine.
Hanggang ala-11 ngayong hapon, bagsak pa rin ang operasyon ng Pitogo -Mulanay 69kV Line na nagseserbisyo sa QUEZELCO 1.
Kabilang pa dito ang Sorsogon-Bulan 69kV Line, Naga-Libmanan 69kV Line, Naga-Iriga 69kV Line atTiwi C-Pawa 69kV Line sa Luzon area.
Sa Visayas, hindi pa rin nakakapagbigay ng suplay ng kuryente ang Paranas-Quinapondan 69kV Line, Maasin-Baybay 69kV Line, Palanas Cara-Allen 69kV Line, at Amlan-San Carlos 69kV Line, isa (1) pang 230kV transmission line ang hindi pa rin gumagana ang operasyon hanggang sa kasalukuyan.
Gayunman, nagpapatuloy pa ang restoration activities ng NCGP sa mga lugar na kaya nang mapuntahan ng mga line crew nito. | ulat ni Rey Ferrer