Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong Oktubre

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na bababa ang kanilang singil sa kuryente para sa buwan ng Oktubre. Ayon kay Meralco Spokesman at Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, P0.36 per kWh ang inaasahang mababawas sa buwanang billing. Paliwanag ni Zaldarriaga, dulot ito ng pagbaba ng transmission charge na ipinapasa ng National Grid Corporation… Continue reading Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong Oktubre

Posibleng pagpapatupad ng mandatory repatriation ng mga OFW sa Lebanon, suportado ng isang mambabatas

Suportado ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang posibilidad na magpatupad ng mandatory repatriation para sa mga OFW na nasa Lebanon. Malaki ang tiwala ng mambabatas sa mga ginagawang hakbang ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng pamahalaan para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong manggagawa na naroroon ngayon. Una nang sinabi ng Pangulo… Continue reading Posibleng pagpapatupad ng mandatory repatriation ng mga OFW sa Lebanon, suportado ng isang mambabatas

DOF-Bureau of Local Gov’t Finance, inihahanda na ang LGUs sa pagpapatupad ng bagong batas

Nakatakdang ipatupad ng Department of Finance (DOF) ang Local Government Reform Project (LGRP) upang palakasin ang local fiscal management, partikular ang valuation at appraisal ng real properties sa pamamagitan ng digitalization. Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, kabilang ito sa mga inisyatiba upang suportahan ang mga Local Government Units (LGUs). Kasabay ng pagdiriwang ng ika-37th… Continue reading DOF-Bureau of Local Gov’t Finance, inihahanda na ang LGUs sa pagpapatupad ng bagong batas

Panukalang murang pautang sa mga maliliit na negosyo, pina-aaksyunan sa Senado

Umapela si Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan sa Senado na talakayin at pagtibayin na ang panukalang Pondo Para sa Pagbabago at Pag-Asenso o P3 Program. Naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan ng murang pautang na ito ay mailalayo na ang mga micro entrepreneurs mula sa mapagsamantalang loan sharks at “five-six.” Salig sa panukala, magbibigay… Continue reading Panukalang murang pautang sa mga maliliit na negosyo, pina-aaksyunan sa Senado

Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng mataas na lebel ng sulfur dioxide

Tumaas ang naobserbahang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24-oras. Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umakyat sa 5,150 tonelada ang sulfur dioxide (SO2) gas na ibinuga ng bulkan. Ayon sa PHIVOLCS, tuloy-tuloy sa pagbuga ng mataas na concentration ng SO2 ang… Continue reading Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng mataas na lebel ng sulfur dioxide

Pagpapa-igting ng food reserves sa gitna ng banta ng Climate Change, ipinanawagan ni PBBM sa harap ng ASEAN Leaders

Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ASEAN Plus Three na patatagin pa ang staple food reserves sa rehiyon, upang mas mapaghandaan ang krisis na nagiging banta sa food security sa bansa. Sa talumpati ng Pangulo sa ika-27 ASEAN Plus Three Summit sa Vientiane, Laos, partikular na binanggit ng Pangulo ang 2024 World… Continue reading Pagpapa-igting ng food reserves sa gitna ng banta ng Climate Change, ipinanawagan ni PBBM sa harap ng ASEAN Leaders

Kadiwa ng Pangulo sa Brgy. Daang Bakal sa Mandaluyong City, umarangkada na

Nagsimula nang magbenta ng murang bigas sa Kadiwa ng Pangulo sa Barangay Hall ng Brgy. Daang Bakal sa lungsod ng Mandaluyong ngayong umaga. Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel ang pagpapasinaya sa bagong Kadiwa site na kabilang sa 20 bagong puwesto para sa mga murang bilihin. Sinamahan siya ni DA Spokesperson, Assistant Secretary Arnel de… Continue reading Kadiwa ng Pangulo sa Brgy. Daang Bakal sa Mandaluyong City, umarangkada na

DSWD, binalangkas na ang mga kondisyon para sa ‘First 1,000 Day’ grant ng 4Ps

Inilatag na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kondisyon para sa implementasyon ng First 1,000 Days (F1KD) sa 4Ps beneficiaries. Ayon kay DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program ( 4Ps) Undersecretary Vilma Cabrera, sisimulang ipatupad ang F1KD cash grant sa 2025 na ilalaan sa mga benepisyaryong buntis at lactating mothers na may… Continue reading DSWD, binalangkas na ang mga kondisyon para sa ‘First 1,000 Day’ grant ng 4Ps

Speaker Romualdez, suportado ang panawagan ni PBBM para sa mabilis na negosasyon sa binubuong South China Sea Code of Conduct

Sinuportahan ni Speaker Martin Romualdez ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bilisan ang negosasyon para matapos na ang ASEAN-China Code of Conduct (COC) at matiyak ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa South China Sea. Sa ika-27 ASEAN-China Summit sa Laos, binanggit ni Pangulong Marcos ang panggigipit ng China Coast Guard sa… Continue reading Speaker Romualdez, suportado ang panawagan ni PBBM para sa mabilis na negosasyon sa binubuong South China Sea Code of Conduct

Higit 5,000 motorista, nahuli ng LTO-NCR sa ikatlong quarter ng 2024

Umabot sa mahigit 5,000 pasaway na motorista ang natiketan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa pinaigting na kampanya laban sa traffic violators. Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” Verzosa III, nasa kabuuang 5,769 mga drayber ang nahuli mula Hulyo hanggang nitong Setyembre. Batay sa datos mula sa LTO-NCR- Regional Law Enforcement Service… Continue reading Higit 5,000 motorista, nahuli ng LTO-NCR sa ikatlong quarter ng 2024