11,000 family food packs mula sa Cebu, isinakay sa barko ng PCG para dalhin sa Bicol Region 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patungo na sa Bicol Region ang BRP Teresa Magbanua para dalhin ang 11,000 na family food packs na ipapamahagi sa mga sinalanta ng bagyong Kristine. 

Ang naturang mga foodpacks ay galing sa DSWD Region 7 na idadagdag sa mga naunang relief packs na na-deliver na sa Bicol. 

Inaasahang dadaong sa Naga City ang naturang barko ngayong araw at agad ibibigay ang mga kahon-kahon na food packs sa mga biktima ng kalamidad. 

Ito na ang ikalawang batch ng mga goods na nagmula sa Cebu at dinala sa Bicol Region upang ipamahagi sa mga sinalanta ng nagdaang kalamidad.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us