Lead sa posibleng nasa likod ng pagpatay kay Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili, ibinunyag ni Col. Garma sa Quad Comm

Pina-iimbitahan ngayon ng Quad Committee ang isang Lieutenant Colonel Alborta para bigyang linaw ang pagkamatay ni Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili noong 2018. Sa ika-walong pagdinig ng Quad Comm, sinabi ni dating PCSO GM Royina Garma na isang Col. Alborta ang ipinagmalaki na kasama siya sa grupo na pumaslang sa alkalde. Ayon kay Garma, kalat… Continue reading Lead sa posibleng nasa likod ng pagpatay kay Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili, ibinunyag ni Col. Garma sa Quad Comm

Kabuuang bilang ng mga nakabalik na mga OFW sa bansa galing ng Lebanon, nasa 442 na, base sa datos na nakuha ng PCO

Nasa may 442 ng OFW mula sa Lebanon ang nakauwi na sa bansa. Base ito sa datos na ibinahagi ng PCO na kung saan, 28 mga dependents ang kasama ng nabanggit na bilang ng mga kababayan nating nakabalik na sa bansa mula Lebanon. Ngayong araw, Oktubre 12, nasa 9 na indibidwal ang ligtas na nakabalik… Continue reading Kabuuang bilang ng mga nakabalik na mga OFW sa bansa galing ng Lebanon, nasa 442 na, base sa datos na nakuha ng PCO

Toll hike sa NLEX Connector, epektibo na simula Oktubre 15, 2024

Kasabay ng pag-apruba ng Toll Regulatory Board (TRB) sa bagong toll rates para sa NLEX Connector, asahan na ang pagtaas sa singil sa pagdaan sa nasabing kalsada epektibo simula Oktubre 15, 2024. Sa bagong rate, ang mga motorista na gumagamit ng Class 1 vehicles, tulad ng mga kotse at SUV, ay magbabayad na ng ₱119… Continue reading Toll hike sa NLEX Connector, epektibo na simula Oktubre 15, 2024

24/7 Tourist Court, nakalinya para sa pagpapabilis ng pagresolba ng mga tourist-related incident

Nakakakasa na ang Department of Tourism (DOT) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagtatatag ng 24/7 tourist courts, na naglalayong pabilisin ang pagresolba ng mga insidenteng may kaugnay sa mga turista. Sa isang pagpupulong nina DOT Secretary Christina Garcia Frasco at bagong hirang na DILG Secretary Jonvic Remulla, nagkasundo ang… Continue reading 24/7 Tourist Court, nakalinya para sa pagpapabilis ng pagresolba ng mga tourist-related incident

Dalawang dam sa Luzon, muli na namang nagpakawala ng tubig—PAGASA

Muli na namang nagpapakawala ng tubig ang Magat at Binga Dam sa Luzon simula pa kaninang umaga. Ngayong tanghali, nilakasan pa ang discharge ng tubig sa Magat Dam sa 411 Cubic Meters Per Second (CMS) mula sa 181 CMS lamang kaninang umaga. Ayon sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, kasalukuyang nasa 190.37 meters ang water… Continue reading Dalawang dam sa Luzon, muli na namang nagpakawala ng tubig—PAGASA

Manila South Cemetery, may ilang paalala para sa papalapit na Undas

Bilang paghahanda para sa Undas 2024, inilabas ng pamunuan ng Manila South Cemetery ang isang paalala ukol sa mga aktibidad nito gayong nalalapit na ang nasabing kaganapan. Ayon sa advisory na inilabas ng sementeryo, ipinababatid nito na ang pagsasagawa ng huling araw ng paglilinis at pagpipintura ng puntod ay hanggang sa Oktubre 25 lamang, habang… Continue reading Manila South Cemetery, may ilang paalala para sa papalapit na Undas

Bahagi ng Roxas Blvd. pansamantalang isasara ngayong araw bilang bahagi ng ika-46 na anibersaryo ng JIL Church

Pinaaalalahanan ang mga motorista na dadaan sa lungsod ng Maynila na maghanda para sa pagsasara ng kalsada sa kahabaan ng Roxas Boulevard ngayong araw, Oktubre 12, 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-46 anibersaryo ng Jesus Is Lord Church. Ang nasabing pansamantalang pagsasara ng kalsada ay magaganap sa parehong direksyon, mula Kalaw Street hanggang Katigbak… Continue reading Bahagi ng Roxas Blvd. pansamantalang isasara ngayong araw bilang bahagi ng ika-46 na anibersaryo ng JIL Church

DOH, kinilala ang pagpapalakas ng partnership nito sa provincial health officers

Pinalakas ng Department of Health (DOH), sa pangunguna ni Secretary Teodoro Herbosa, ang pakikipagtulungan nito sa provincial health officers at mahalagang papel nito sa pagpapabuti ng access sa healthcare sa naganap na taunang convention ng Provincial Health Officers Association of the Philippines nitong nagdaang linggo. Binigyang-diin ni Secretary Herbosa ang mahalagang papel ng mga PHO… Continue reading DOH, kinilala ang pagpapalakas ng partnership nito sa provincial health officers

COC ng mga kandidato para sa 2025 elections, sinimulan nang suriin ng COMELEC

Inumpisahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsuri sa certificates of candidacy (COC) ng mga kandidato sa pagka-senador sa 2025 midterm elections. Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia, batay sa initial assessment, sa 183 COC na kanilang natanggap sa pagkasenador, nasa 66 lamang ang lehitimo at posibleng maisama sa listahan ng mga kandidato.… Continue reading COC ng mga kandidato para sa 2025 elections, sinimulan nang suriin ng COMELEC

PCG, nasabat ang isang sasakyang pandagat na sangkot sa ‘paihi’

Nasabat ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang motor vessel na sinasabi nitong sangkot sa pagnanakaw ng gasolina o ‘paihi’ nito nagdaang linggo sa katubigang sakop ng Bulacan. Ayon sa ulat ng PCG, kinilala nito ang barko bilang TJR 3, na naharang sa gitna ng isang maritime patrol malapit sa Barangay Binuangan,… Continue reading PCG, nasabat ang isang sasakyang pandagat na sangkot sa ‘paihi’