Malabon LGU, pinaghahandaan na ang paggunita ng Undas

Handa na ang Malabon City local government para sa ligtas at maayos na paggunita ng Undas sa Nobyembre 1 at 2. Sa abiso ng lokal na pamahalaan, maglalagay ito ng Command Post para pangasiwaan ang seguridad at kaayusan sa mga sementeryo. Ayon kay Mayor Jennie Sandoval, titiyakin ng LGU na matutugunan ang pangangailangan ng publiko.… Continue reading Malabon LGU, pinaghahandaan na ang paggunita ng Undas

COMELEC, pinalawig ang deadline para sa mga petisyon laban sa nuisance candidates

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapalawig ng deadline para sa pagsusumite ng petisyon laban sa mga nuisance candidates na naghain ng kanilang mga certificate of candidacy (COC) nang nagdaang unang walong araw ng Oktubre. Ang pagbabagong ito ay batay sa memorandum mula sa COMELEC noong Oktubre 11, 2024, na sumusunod sa Memorandum Circular… Continue reading COMELEC, pinalawig ang deadline para sa mga petisyon laban sa nuisance candidates

Dating PCSO GM Royina Garma, kinumpirma ang pagkakaroon ng ‘Davao Model’ na ginamit sa pagpapatupad ng war on drugs ng nakaraang administrasyon

Paluhang inilahad ni dating PCSO General Manager Royina Garma sa Quad Committee ang kaniyang mga nalalaman ukol sa ipinatupad na war on drugs ng nakaraang administrasyon, partikular dito ang tinatawag na ‘Davao Model’. Isang linggo umano niyang pinagnilayan ang sinumpaang salaysay na naglalaman ng kaniyang mga nalalaman sa kung paano nabuo ang war on drugs… Continue reading Dating PCSO GM Royina Garma, kinumpirma ang pagkakaroon ng ‘Davao Model’ na ginamit sa pagpapatupad ng war on drugs ng nakaraang administrasyon

MMDA, nagsasagawa ng road reblocking sa EDSA at sa iba pang malalaking kalsada ngayong weekend

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasaayos ng mga kalsada sa ilang bahagi ng EDSA at iba pang Metro Manila highway ngayong Sabado at Linggo. Ilang bahagi ng EDSA sa Quezon City ang sumasailalim sa road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kabilang ang mga kalsada malapit sa Fernando Poe… Continue reading MMDA, nagsasagawa ng road reblocking sa EDSA at sa iba pang malalaking kalsada ngayong weekend

400 condominium-type units sa Davao, handa nang ipamahagi ngayong taon –DHSUD

Handa na para sa take-out ngayong taon ang may 400 condominium-type units sa People’s Ville housing project sa Davao City. Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ginawa ang proyekto sa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay DHSUD Undersecretary Garry… Continue reading 400 condominium-type units sa Davao, handa nang ipamahagi ngayong taon –DHSUD

Embahada ng Pilipinas sa Lebanon, pinag-iingat ang mga Pinoy sa Beirut kasunod ng air raid na isinagawa ng Israel sa lugar

Ipinanawagan ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon sa lahat ng mga Pilipino sa Beirut, sa isang advisory na inilabas nito, na iwasan ang mga lugar na apektado ng mga kamakailang air raid, partikular sa mga lugar ng ang Ras al-Nabaa at Noueiri, kasunod ng dalawang magkasunod na airstrike ng Israel noong Oktubre 10, 2024 na… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Lebanon, pinag-iingat ang mga Pinoy sa Beirut kasunod ng air raid na isinagawa ng Israel sa lugar