PAGASA, naglabas ng Thunderstorm Advisory sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan

Magpapatuloy ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan. Sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA na inilabas kaninang 8:16 AM, katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin ang iiral sa Bulacan, Nueva Ecija, Batangas, Metro Manila, Pampanga, Tarlac, at Cavite. Ayon sa PAGASA, mararanasan ang… Continue reading PAGASA, naglabas ng Thunderstorm Advisory sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan

Undas 2024, pinaghahandaan na rin ng Valenzuela LGU

Nagsimula na ring maglatag ang Valenzuela local government ng mga paghahanda para sa Ligtas Undas 2024. Nakipagpulong na si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa department heads at mga punong barangay para sa nalalapit na paggunita ng Undas sa lungsod. Kasama sa tinalakay ang mga hakbang na kinakailangan upang masiguro ang kaayusan ng lungsod at seguridad… Continue reading Undas 2024, pinaghahandaan na rin ng Valenzuela LGU

2 phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal

Patuloy pa rin sa abnormal na aktibidad ang Bulkang Taal sa Batangas. Sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, umabot sa dalawang phreatic eruption o pagbuga ng usok o steam ang naitala mula sa main crater ng Bulkang Taal. Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng tatlo hanggang 13 minuto ang naturang phreatic eruption na bunsod pa rin ito… Continue reading 2 phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal

Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan na bukas

Masakit at mahapdi sa bulsa ang mararanasan ng mga Pilipinong motorista bukas. Ayon kasi sa oil company na UniOil, mahigit ₱2 ang dapat asahang taas-presyo sa lahat ng produktong petrolyo bukas. Ito ay tumugma sa naging forecast ng Department of Energy (DOE) noong isang linggo kung saan nasa ₱2:00-₱2.35 ang posibleng taas-presyo sa kada litro… Continue reading Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan na bukas

PNP, pupulungin ng bagong DILG Chief ngayong araw

Pupulungin ngayong araw ng bagong Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Jonvic Remulla ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw. Ito’y sa pamamagitan ng kauna-unahang Command Conference sa hanay ng Pambansang Pulisya na gagawin sa Kampo Crame mamayang alas-12 ng tanghali. Dito, inaasahang ipakikilala ni PNP… Continue reading PNP, pupulungin ng bagong DILG Chief ngayong araw

PNP Chief Marbil, nanawagan sa mga dati nilang pinuno na ipaliwanag ang kanilang naging papel sa anti-drug campaign ng pamahalaan

Umaapila si Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco Marbil sa kanilang mga dating pinuno na ipaliwanag ang kanilang naging papel sa anti-drug campaign ng pamahalaan. Ito’y kasunod ng pagbubunyag ni dating Police Lieutenant Colonel gayundin ay dating PCSO General Manager Royina Garma sa Quad Committee Hearing ng Kamara noong isang linggo ang tungkol… Continue reading PNP Chief Marbil, nanawagan sa mga dati nilang pinuno na ipaliwanag ang kanilang naging papel sa anti-drug campaign ng pamahalaan

Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction, aarangkada na ngayong araw

Magbubukas na ngayong araw ang 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference for Disaster Risk Reduction (APMCDRR) na layong patatagin ang kooperasyon sa pagtugon sa mga sakuna. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magiging host ang Pilipinas sa APMCDRR na gaganapin sa Philippine International Convention Center sa Pasay City simula ngayong araw, October 14-18, 2024. Ayon sa Department of… Continue reading Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction, aarangkada na ngayong araw

Batas sa pagtigil sa paggamit ng ‘mother tongue’ sa Kinder-Grade 3, di pinaboran ng Teacher’s Dignity Coalition

Dismayado ang Teacher’s Dignity Coalition sa pagpapatigil sa paggamit ng ‘mother tongue’ bilang ‘medium’ sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Ito’y matapos na mapaso o nag-lapse para maging batas ang Republic Act 12027 noong October 10. Sa ilalim nito, ibabalik sa Filipino at English ang medium ng pagtuturo habang ang mga local dialect ay… Continue reading Batas sa pagtigil sa paggamit ng ‘mother tongue’ sa Kinder-Grade 3, di pinaboran ng Teacher’s Dignity Coalition

Presyuhan ng luya sa Pasig Mega Market, nananatiling mataas

Nananatiling mahal ang presyo ng luya sa ilang pamilihan sa Metro Manila. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Pasig City Mega Market halimbawa, naglalaro sa ₱180 hanggang ₱210 ang kada kilo nito. Sinabi ng mga nagtitinda ng gulay na nangangamba pa silang tumaas ang presyo ng kanilang mga paninda sa mga susunod na araw. Narito… Continue reading Presyuhan ng luya sa Pasig Mega Market, nananatiling mataas

AKAP Program, iikot sa mga malalaking mall sa Metro Manila

Matapos tulungan ang creatives industries sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), ay mga nagtatrabaho naman sa mga mall ang sunod na makakabenepisyo sa programa ng pamahalaan. Ayon kay House Deputy Secretary General at BPSF national secretariat lead Sofonias Gabonada Jr., ngayong buwan ay iikot ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at si Speaker… Continue reading AKAP Program, iikot sa mga malalaking mall sa Metro Manila