PBBM, nagpasalamat sa lider ng UAE sa iginawad na pardon sa 143 mga Pilipino

Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr Kay United Arab Emirates President Sheikh Mohamed bin Zayed kaugnay ng ginawa nitong paggawad ng pardon sa may 143 mga Pilipino sa UAE. Sa Facebook post ng Pangulo, inihayag nitong nagkaroon Sila ng pagkakataong makapag-usap ng UAE leader kung saan dito niya ipinaabot ang pasasalamat kay… Continue reading PBBM, nagpasalamat sa lider ng UAE sa iginawad na pardon sa 143 mga Pilipino

Sasakyang pandagat ng BFAR, sinadyang banggain ng barko ng Chinese Maritime Militia sa Pagasa Island

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na isa na namang insidente ng pagbangga ng barko ng Chinese Maritime Militia sa sasakyang pandagat ng Pilipinas. Sa isang pahayag, iniulat ng BFAR na naganap ang insidente noong October 11 habang nagsasagawa ng routine maritime patrol ang BRP Datu Cabaylo at BRP Datu Sanday. Ayon… Continue reading Sasakyang pandagat ng BFAR, sinadyang banggain ng barko ng Chinese Maritime Militia sa Pagasa Island

LGUs, pinakikilos na ni DILG Chief Remulla tungo sa disaster resiliency

Nakiisa si Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla sa panawagan na agarang pagkilos ng bawat sektor kasama ang mga lokal na pamahalaan tungo sa disaster risk reduction. Bahagi ito ng mensahe ni Remulla sa Local and Regional Government Assembly ng 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference for Disaster Risk Reduction (APMCDRR). Ayon sa… Continue reading LGUs, pinakikilos na ni DILG Chief Remulla tungo sa disaster resiliency

Ilang delivery riders, umaaray rin sa panibagong bigtime oil price hike

Bukod sa mga tsuper ay umaaray na rin ang ilang delivery rider sa Quezon City dahil sa panibagong taas-presyo sa gasolina ngayong araw. Epektibo kaninang alas-6 ng umaga, ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang dagdag na ₱2.65 kada litro ng gasolina. Ayon sa ilang mga rider na nakapanayam ng RP1 team, dahil sa… Continue reading Ilang delivery riders, umaaray rin sa panibagong bigtime oil price hike

Philcoa underpass, pansamantalang isasara sa publiko

Nag-abiso ngayon ang Quezon City government na pansamantala munang hindi madaraanan ng publiko ang Philcoa Underpass na patungo sa Quezon Memorial Circle (QMC). Ayon sa QC LGU, ito ay dahil isasailalim ito sa maintenance at repair. Layon ng hakbang na masiguro ang kaligtasan ng publiko na bibisita sa QMC. Wala pang eksaktong petsa kung hanggang… Continue reading Philcoa underpass, pansamantalang isasara sa publiko

Sen. Bato dela Rosa, di minamasama ang panawagan ni PNP Chief Gen. Marbil sa mga ex-PNP Chief

Walang problema kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na linawin ang kanyang papel sa war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ito ang tugon ni Dela Rosa sa panawagan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil sa mga dating mga naging pinuno ng Pambansang Pulisya. Ginawa ni Marbil ang panawagan kasunod ng alegasyon ni… Continue reading Sen. Bato dela Rosa, di minamasama ang panawagan ni PNP Chief Gen. Marbil sa mga ex-PNP Chief

Mindanao solon, umalma sa pagsuporta ng Russia sa China na harangin ang ASEAN statement

Pinuna ni Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang ginawang pagtulong ng Russia sa China na harangin ang draft statement ng ASEAN member states na naghahayag ng pagkabahala sa territorial disputes sa South China Sea, kabilang ang West Philippine Sea. Ani Rodriguez, walang karapatan ang Russia na mangialam sa mga isyu sa… Continue reading Mindanao solon, umalma sa pagsuporta ng Russia sa China na harangin ang ASEAN statement