Vape shop sa Marikina City na nagbebenta ng vape products na walang tax stamp, sinalakay ng NBI

Sinalakay ng mga tauhan at opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang vape shop sa Lilac Street corner Panorama Street sa Conception Dos, Marikina. Pinanagunahan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang inspeksyon sa Sum Vape shop kasama ang mga tauhan ng Marikina PNP. Sa pag-inspeksyon ng BIR, napag-alaman na walang Internal Revenue Tax… Continue reading Vape shop sa Marikina City na nagbebenta ng vape products na walang tax stamp, sinalakay ng NBI

Pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa planong pagdinig ng Senado, mahalaga para malinaw ang mga isyu sa war on drugs— Senador Jinggoy Estrada

Sang-ayon si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na maimbitahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa planong ikasang pagidinig ng Senado tungkol sa pinatupad na war on drugs ng nakaraang administrasyon. Sa isang pahayag, sinabi ni Estrada na mahalagang masama si dating Pangulong Duterte sa imbestigasyon para matiyak ang hustisya at transparency sa ikakasang Senate… Continue reading Pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa planong pagdinig ng Senado, mahalaga para malinaw ang mga isyu sa war on drugs— Senador Jinggoy Estrada

Sen. Raffy Tulfo, hindi pabor sa privatization ng air traffic management system

Tutol si Senate Committee on Public Services Chairman Senador Raffy Tulfo sa panukalang isapribado ang operasyon ng communications, navigation, and surveillance/air traffic management system (CNS/ATM) sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP). Ginawa ng senador ang pahayag matapos makumpirma sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagsumite ng proposal ang ComClark Network and Technology… Continue reading Sen. Raffy Tulfo, hindi pabor sa privatization ng air traffic management system

Mga senador, hinimok ang mga otoridad na huwag tantanan ang mga ‘underground POGO’

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan na palakasin pa ang task force na sumusugpo sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), sa gitna ng impormasyong laganap pa rin ang mga underground POGO sa kabila ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na total POGO ban. Ayon kay Hontiveros, dapat mabigyan ng ngipin ang… Continue reading Mga senador, hinimok ang mga otoridad na huwag tantanan ang mga ‘underground POGO’

Legislative action para makaboto ng mga LGU leaders ang mga lokalidad na nahiwalay sa BARMM, binigyang diin ni Sen. Tolentino

Giniit ni Senate Majority leader Francis Tolentino na kailangan ng legislative action para sa mga lokalidad na naihiwalay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) gayundin sa pamamahagi ng mga posisyong naiwan ng Sulu sa parliamentaryo ng BARMM. Una na ding pinunto ng COMELEC na kailangan rin ng aksyon mula sa Kongreso para makabuo… Continue reading Legislative action para makaboto ng mga LGU leaders ang mga lokalidad na nahiwalay sa BARMM, binigyang diin ni Sen. Tolentino

Apat na suspek sa pamemeke ng dokumento, arestado ng NBI

Iprinesenta sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force ang apat na indibidwal, kabilang ang isang 17 taong gulang na sangkot sa pagproseso at pagbebenta ng mga pekeng public documents gaya ng NBI clearance. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nahuli ang mga suspek sa isang operasyon ng NBI matapos matuklasan na… Continue reading Apat na suspek sa pamemeke ng dokumento, arestado ng NBI

Pagbibigay ng pardon sa 143 Pilipino, resulta ng magandang ugnayan ng Pilipinas at UAE; Dagdag tulong sa mga Pinoy na may kaso abroad, isinusulong

Para kay Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo, ang naisakatuparang pagbibigay ng pardon ng United Arab Emirates (UAE) sa 143 Pilipino ay bunga ng mahusay na liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa pakikipagtulungan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department… Continue reading Pagbibigay ng pardon sa 143 Pilipino, resulta ng magandang ugnayan ng Pilipinas at UAE; Dagdag tulong sa mga Pinoy na may kaso abroad, isinusulong

38 Chinese nationals, inaresto ng CIDG sa isang major cybercrime operation sa Moalboal, Cebu

Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 38 Chinese nationals sa Brgy. Saavedra, Moalboal, Cebu. Nakumpiska sa mga suspek ang 30 computers, 212 cellphones, 4 laptops, at iba pang kagamitan na may kaugnayan sa cybercrime. Bukod dito, anim na sasakyan din ang nasamsam ng mga awtoridad. Ayon kay Acting CIDG Director PBGEN Nicolas… Continue reading 38 Chinese nationals, inaresto ng CIDG sa isang major cybercrime operation sa Moalboal, Cebu

MMDA at mga mall operator sa Metro Manila, magpapatupad ng mga adjustment sa kanilang operasyon bilang paghahanda sa holiday season

Nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga mall operator sa Metro Manila na i-adjust ang kanilang operating hours upang makatulong sa pagpapaluwag ng trapiko ngayong kapaskuhan. Sa pulong balitaan sa Pasig City kasama ang mga mall operator at utility companies sa Metro Manila, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na napagkasunduan na ang… Continue reading MMDA at mga mall operator sa Metro Manila, magpapatupad ng mga adjustment sa kanilang operasyon bilang paghahanda sa holiday season

Moratorium sa mga road work sa Metro Manila, ipatutupad ng MMDA para maibsan ang mabigat na trapiko ngayong holiday season

Workers does road reblock in South bound of Cubao Tunnel yesterday. The worker will work full blast on Holy week which intends to finish all road reblockings on EDSA. (photo by Michael Varcas) reblocking_cubao_09_varcas_130414 / file photo

Magpapatupad ng moratorium o pansamantalang suspensyon sa mga paghuhukay at road works sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, layon ng hakbang na ito na mabawasan ang pagsisikip ng trapiko ngayong kapaskuhan. Magsisimula ang suspensyon ng mga road works mula November 18 hanggang… Continue reading Moratorium sa mga road work sa Metro Manila, ipatutupad ng MMDA para maibsan ang mabigat na trapiko ngayong holiday season