Hiwalay na Senate investigation sa ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon, iginagalang ng Quad Comm

Iginagalang ng Quad Comm ang plano ng Senado na magkasa rin ng hiwalay na imbestigasyon tungkol sa ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon, partikular sa sinasabing reward system. Ayon kay Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, co-chair ng Quad Comm, karapatan ng Senado na imbestigahan ang isyu. Karapatan din aniya ng mga senador na nadadawit… Continue reading Hiwalay na Senate investigation sa ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon, iginagalang ng Quad Comm

PNP, nananatiling matatag sa kabila ng mga hamon sa ‘drug war’ ng nakalipas na administrasyon

Hindi nagpapatinag ang Philippine National Police (PNP) sa mga isyung kinahaharap nito na may kaugnayan sa kampanya kontra iligal na droga ng nakalipas na administrasyon. Katunayan, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo na nananatiling matatag ang kanilang hanay bilang isang institusyon. Patunay na aniya rito ang hindi pagtatakip sa… Continue reading PNP, nananatiling matatag sa kabila ng mga hamon sa ‘drug war’ ng nakalipas na administrasyon

Marine Corps mula sa 8 bansa, magsasama-sama para sa unang araw ng KAMANDAG Exercises

Magsasama-sama ang iba’t ibang Marine Corps mula sa walong bansa para sa ika-8 Bilateral Exercises na binansagang Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat (KAMANDAG). Nasa 1,150 miyembro ng Philippine Contingent buhat sa Philippine Marine Corps, Philippine Navy, Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) ang lalahok sa naturang pagsasanay. Kasama nila ang mga… Continue reading Marine Corps mula sa 8 bansa, magsasama-sama para sa unang araw ng KAMANDAG Exercises

PRO-3, pinuri ng PNP Chief kasunod ng mabilis na paglutas sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga

Pinapurihan ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang Police Regional Office-3 o Central Luzon Police dahil sa mabilis na paglutas sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang online seller na sina Arvin at Lerma Lulu sa Pampanga Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Marbil ang kanilang pangako na protektahan ang publiko at tiyakin… Continue reading PRO-3, pinuri ng PNP Chief kasunod ng mabilis na paglutas sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga

BIR, nakipag-partner sa PCUP para sa programa sa urban poor

Nakipagtulungan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Presidential Commission for the Urban Poor para sa pagpapalawak ng programa sa mga mahihirap. Nilagdaan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa exemption sa buwis ng mga donasyong ibinibigay ng pribadong kumpanya sa PCUP. “The BIR will exert all efforts… Continue reading BIR, nakipag-partner sa PCUP para sa programa sa urban poor

Abogado ni Laguna Cong. Dan Fernandez, pinadidisqualify sa Comelec ang dalawang Fernandez na nagfile ng Gobernador sa Laguna

Naghain ng petisyon sa Commission on Election ang abogado ni Laguna Cong. Dan Fernandez para ideklarang nuisance candidate ang dalawang Fernandez na kapwa naghain ng kandidatura bilang Gobernador. Ang naturang petisyon ay inihain ni Atty. Ariel Radovan sa Comelec Law Department ngayong umaga. Sabi ni Fernandez, dapat ideklarang panggulo sa Halalan sina Jenny Vhee Comprendio… Continue reading Abogado ni Laguna Cong. Dan Fernandez, pinadidisqualify sa Comelec ang dalawang Fernandez na nagfile ng Gobernador sa Laguna

DTI, may pautang para sa mga negosyanteng biktima ng kalamidad

Inanyayahan ng Deparment of Trade and Industry ang mga micro, small and medium enterprise na sinalanta ng mga kalamidad na makipag-ugnayan sa kanilang ahensya para magkaroon ng pagkakataon na makapanghiram ng pera na maaring gamitin sa kanilang negosyo. Ayon sa anunsyo ng DTI sa kanilang social media page, kwalipikadong mag apply sa nasabing loan program… Continue reading DTI, may pautang para sa mga negosyanteng biktima ng kalamidad

DSWD, hinikayat ang mga miyembro ng 4Ps na magparehistro sa PhilSys

Hinimok ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magparehisto ng kanilang demographic at biometric information sa Philippine Identification System (PhilSys). Ayon kay 4Ps National Program Manager and Director Gemma Gabuya, ang pagpaparehisto sa PhilSys ay batay sa direktiba ni DSWD Secretary Rex… Continue reading DSWD, hinikayat ang mga miyembro ng 4Ps na magparehistro sa PhilSys

Health Information System para sa PDLs, inilunsad ng BJMP

Sa pakikipagtulungan sa International Committee of the Red Cross (ICRC), inilunsad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang isang Health Information System (HIS) Project na layong matutukan ang serbisyong pangkalusugan sa mga PDLs sa bansa. Ayon sa BJMP, target ng proyekto na matiyak na lahat ng Persons Deprived of Liberty (PDL) ay maisasailalim… Continue reading Health Information System para sa PDLs, inilunsad ng BJMP

Koneksyon ng grupong nasa likod ng pagpatay kina dating PCSO Official Wesley Barayuga at Tanauan City Mayor Antonio Halili, sinisilip na rin ng PNP

Sinisilip na rin ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na iisang grupo lamang ang nasa likod ng pagpatay kina dating PCSO Board Secretary Welsey Barayuga at Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, inaalam na nila ang posibilidad na konektado ang dalawang naturang krimen. Magugunitang lumutang… Continue reading Koneksyon ng grupong nasa likod ng pagpatay kina dating PCSO Official Wesley Barayuga at Tanauan City Mayor Antonio Halili, sinisilip na rin ng PNP