Higit 47,000 examinees, pumasa sa August Career Service Exam — CSC

Inanunsyo ng Civil Service Commission ( CSC) na umabot sa 47,449 examinees ang matagumpay na nakapasa sa August 2024 Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT). Ayon sa CSC, mula sa 296,758 na kumuha ng CSE Professional Level, 42,812 ang nakapasa o katumbas ng 14.43%, habang 4,637 din ang nakapasa mula sa 32,707… Continue reading Higit 47,000 examinees, pumasa sa August Career Service Exam — CSC

Bulkang Taal, nakapagtala ng 2 phreatic eruption

Muli na namang nakapagtala ng phreatic o steam-driven eruption ang Bulkang Taal nitong miyerkules, October 16. Sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, umabot sa dalawang phreatic eruption o pagbuga ng usok o steam ang naitala mula sa Main Crater ng Bulkang Taal. Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng dalawa hanggang 14 na minuto ang naturang phreatic eruption na… Continue reading Bulkang Taal, nakapagtala ng 2 phreatic eruption

Presensya ng China sa EEZ ng Pilipinas, lalo pang umigting matapos ang pinakahuling panggigipit sa barko ng BFAR sa WPS

Pinaigting pa ng China ang presensya nito sa mga katubigang sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) ilang araw matapos ang ginawang pagbangga at water cannon ng China Coast Guard sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bajo de Masinloc nitong weekend. Batay sa monitoring ng Armed Forces of the… Continue reading Presensya ng China sa EEZ ng Pilipinas, lalo pang umigting matapos ang pinakahuling panggigipit sa barko ng BFAR sa WPS

Presyuhan ng sibuyas, inaasahang magiging matatag ngayong papalapit ang Kapaskuhan

Umaasa ang mga maggugulay sa Marikina Public Market na magtutuloy-tuloy na ang matatag na presyuhan ng sibuyas hanggang sa Pasko kung kailan kaliwa’t kanan ang mga handaan. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nananatili sa ₱100 ang kada kilo ng pulang sibuyas kung saan, maaaring maglaro sa ₱80 hanggang ₱120 ang presyuhan nito depende sa kalidad. … Continue reading Presyuhan ng sibuyas, inaasahang magiging matatag ngayong papalapit ang Kapaskuhan

Puwersa ng mga kasundaluhan, handa na sa HADR demonstration sa Burgos, Ilocos Norte

Handang-handa ang iba’t ibang yunit sa Ilocos Norte, kabilang ang Philippine Marines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, pati na rin ang Japan Group Self Defense Force at United States Marine Corps, para sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief Demonstration sa 4th Marine Brigade sa Brgy. Bobon, Burgos, Ilocos Norte. Ayon… Continue reading Puwersa ng mga kasundaluhan, handa na sa HADR demonstration sa Burgos, Ilocos Norte

Mga katutubong Badjao, benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa bayan ng Simunul, Tawi-Tawi

Nasa 995 Badjao Dilaut ang naging benepisyaryo ng assistance to individuals in crisis situations sa araw ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo sa bayan ng Simunul, Tawi-Tawi. Sila ay tumanggap ng tig-3,000 piso mula sa Department of Social Services and Development at mga food packs mula sa pamahalaang panlalawigan ng Tawi-Tawi. Nagkaroon ng boodle fight… Continue reading Mga katutubong Badjao, benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa bayan ng Simunul, Tawi-Tawi

Higit isang milyong kilo ng bigas, naibenta ng NIA sa ilalim ng Bagong Bayaning Magsasaka Rice

Aabot na sa 1.14-milyong kilo ng bigas ang naibenta ng National Irrigation Administration (NIA) sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice. Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, sumampa na rin sa higit ₱33-milyong halaga ng bigas ang naibenta sa higit 114,000 na mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at 4Ps. Sumasalamin… Continue reading Higit isang milyong kilo ng bigas, naibenta ng NIA sa ilalim ng Bagong Bayaning Magsasaka Rice

Presyo ng Kamatis sa Marikina Public Market, bahagyang tumaas; Luya, nananatiling mahal

Bahagyang tumaas ang presyo ng Kamatis sa Marikina Public Market habang nananatiling mahal naman ang presyo ng Luya. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, umakyat na sa ₱90 ang kada kilo ng Kamatis mula sa dating ₱50 hanggang ₱70 ang kada kilo. Ang Luya naman, nakapako sa ₱150 ang kada kilo na nananatiling mataas buhat nang… Continue reading Presyo ng Kamatis sa Marikina Public Market, bahagyang tumaas; Luya, nananatiling mahal

Kamara kinatigan ang pag-aalis ng purchase slip booklet bilang requirement para makakuha ng discount sa pagbili ng gamot ng mga senior citizen

Aprubado na sa Kamara ang isang resolusyon na layong alisin na ang paggamit ng purchase slip booklet bilang requirement para makakuha ng diskwento ang senior citizens na bumibili ng gamot at iba pang produktong pangkalusugan. Salig sa House Resolution 2031, hinihimok ang Department of Health (DOH) na alisin kaagad ang requirement na ito. Punto ng… Continue reading Kamara kinatigan ang pag-aalis ng purchase slip booklet bilang requirement para makakuha ng discount sa pagbili ng gamot ng mga senior citizen

Panukala para gawaran ng legislative franchise ang Starlink, inihain sa Kamara

Itinutulak ngayon ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo na magawaran ng legislative franchise ang Starlink Philippines, Inc., isang subsidiary ng SpaceX na pagmamay-ari ni Elon Musk. Sa ilalim ng kanyang House Bill. 10954, pahihintulutan ang Starlink na magtayo ng ground stations upang mapagbuti ang internet connectivity sa bansa lalo na sa mga liblib na lugar.… Continue reading Panukala para gawaran ng legislative franchise ang Starlink, inihain sa Kamara