Tulong para sa repatriated OFWs mula sa Lebanon, tiniyak ng DSWD

Handa na ang DSWD na maglaan ng tulong sa repatriatedFilipino workers na naiipit sa kaguluhan sa Lebanon. Ayon kay DSWD Spokesperson, Asec. Irene Dumlao, bukod sa tulong na ibibigay ng OWWA at DMW ay aagapay din sila sa mga apektadong OFW sa pamamagitan ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations… Continue reading Tulong para sa repatriated OFWs mula sa Lebanon, tiniyak ng DSWD

Imbestigasyon ng Senado sa ‘war on drugs’, welcome para sa Manila solon

Isang magandang oportunidad para kay Manila Rep. Bienvenido Abante, co-chair ng Quad Committee ang planong imbestigasyon din ng Senado sa ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon. Aniya, magsisilbi itong complement sa ginagawa nang pagsisiyasat ng komite. Kasabay nito, sinabi ng mambabatas na igagalang nila kung pipiliin ng dating Pang. Rodrigo Duterte na sa Senate hearing… Continue reading Imbestigasyon ng Senado sa ‘war on drugs’, welcome para sa Manila solon

Pangangailangan na i-regulate ang online piracy, muling binigyang-diin ni Villar

Binigyang diin ni Senador Mark Villar ang pangangailangan ng mga hakbang laban sa online piracy, at sinabing karamihan sa illegal activities na may kinalaman sa piracy ay isinasagawa ngayon online. Sa budget deliberations ng  Optical Media Board (OMB) noong Martes, sinabi ni Villar na ang technological means para sa piracy ay nag-evolve sa paglipas ng… Continue reading Pangangailangan na i-regulate ang online piracy, muling binigyang-diin ni Villar

Panibagong batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Lebanon, magbabalik-Pilipinas ngayong araw

Nakatakdang dumating ngayong araw ang nasa 45 Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa gulo sa Lebanon. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), alas-4 ng hapon inaasahang lalapag ang Kuwait Airways flight KAC417 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Maliban sa mga OFW, kasama rin sa naturang flight ang dalawang bata na… Continue reading Panibagong batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Lebanon, magbabalik-Pilipinas ngayong araw

Inflation ngayong 2024, tinatayang nasa 3.1% — BSP

Inaasahang makakamit ng bansa ang 3.1 percent inflation ng 2024, ito ay base sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Paliwanag ni BSP Assistant Governor of the Monetary Policy Sub-sector Zeno Abenoja, ito ay dahil sa mas mababang inflation rate sa buwan ng Agosto at Setyembre kaya mahihila nito pababa ang inflation rate para sa… Continue reading Inflation ngayong 2024, tinatayang nasa 3.1% — BSP

Malawakang raid vs. illicit vape retailers at resellers, iniutos ng BIR Chief

Iniutos na ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa lahat ng revenuers na magkasa ng nationwide raid laban sa retailers at resellers ng iligal na vape. Ayon kay Comm. Lumagui Jr., hindi magkaroon ng vape smuggler sa bansa kung walang tumatangkilik na vape retailer/reseller. Pinatutukan na ngayon ni Comm. Lumagui, sa… Continue reading Malawakang raid vs. illicit vape retailers at resellers, iniutos ng BIR Chief

Mga proyekto sa ilalim ng Public Private Partnership, mahalaga sa Disaster Resiliency — NEDA

Gumaganap ng mahalagang papel ang Public Private Partnership (PPP) pa sa pagpatayo ng mga imprastrakturang kayang tumayo at manatiling matatag sa panahon ng kalamidad. Ito’y ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kasunod ng kanyang pagdalo sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction. Binigyang-diin ni Balisacan na mahalaga ang PPP… Continue reading Mga proyekto sa ilalim ng Public Private Partnership, mahalaga sa Disaster Resiliency — NEDA

Philippine Army, tumanggap ng mga bagong X-ray machines mula sa PCSO

Personal na tinanggap ni Philippine Army Chief, Lt. Gen. Roy Galido ang aabot sa pitong X-ray machines at iba’t ibang medical equipments mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ito’y para ipamahagi sa mga Army Hospital sa buong bansa na makatutulong sa pagbibigay lunas sa mga sundalong nasusugatan sa bakbakan gayundin ay makapagbigay ng serbisyong… Continue reading Philippine Army, tumanggap ng mga bagong X-ray machines mula sa PCSO

DSWD-10 namahagi ng ₱1-M tulong pinansyal sa mga benepisyaryo sa Linamon, Lanao del Norte

Namahagi ng ₱1 milyon na tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office X sa 100 mga mababa ang kita at small-scale business owners mula sa bayan ng Linamon, Lanao del Norte nitong Oktubre 11. Nakatanggap ang mga ito ng tig-₱10,000 na naglalayong palakasin ang kanilang maliliit na negosyo at pahusayin… Continue reading DSWD-10 namahagi ng ₱1-M tulong pinansyal sa mga benepisyaryo sa Linamon, Lanao del Norte

Pagpapalawig sa schedule ng MRT at LRT gayundin ang dagdag na biyahe sa EDSA Bus Carousel, ihihirit ng MMDA sa DOTr

Makikipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Transportation (DOTr) para talakayin ang mga paghahanda sa papalapit na Christmas Season. Ayon kay MMDA Chairperson, Atty. Don Artes, kabilang sa kanilang hihilingin ang pagpapalawig ng operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) gayundin ang pagdaragdag ng mga bus sa EDSA… Continue reading Pagpapalawig sa schedule ng MRT at LRT gayundin ang dagdag na biyahe sa EDSA Bus Carousel, ihihirit ng MMDA sa DOTr