Pag-amyenda sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act, ipinanawagan ng DND

Hiniling ng Department of National Defense (DND) sa mga mambabatas na muling bisitahin ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. Ito’y ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. upang makasunod sa pagbabago ng panahon lalo na sa pagtugon sa epektong dulot ng climate change gayundin ng mga tumatamang kalamidad sa bansa. Sa… Continue reading Pag-amyenda sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act, ipinanawagan ng DND

Pagdagsa ng mga frozen na isda, pinangangambahan sa sandaling magsimula na ang Closed Fishing Season

Nangangamba ang ilang mga nagtitinda ng isda sa palengke na babaha ang mga frozen na isda. Ito’y dahil sa bahagya nang nababawasan ang suplay ng sariwang isda sa ilang pamilihan sa Metro Manila gayung hindi pa man nagsisimula ang “closed fishing season.” Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Agora Public Market sa San Juan City,… Continue reading Pagdagsa ng mga frozen na isda, pinangangambahan sa sandaling magsimula na ang Closed Fishing Season

1,000 pamilya sa Valenzuela, graduate na sa 4Ps

Aabot sa 1,007 benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Valenzuela ang nagsipagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Pinangunahan ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian katuwang sina 4Ps NCR Division Chief Leah Bautista ang ceremonial graduation ng mga benepisyaryo bilang pagkilala sa mga pamilyang natulungan ng ahensya. Bahagi ng… Continue reading 1,000 pamilya sa Valenzuela, graduate na sa 4Ps

LPE Cluster ng NTF-ELCAC, nagpasimula ng planning workshop para sa transformation plan ng mga dating rebelde sa Sarangani Province

Ang mga pagsisikap ng gobyerno na wakasan ang komunismo at insurhensya ay nagbunga ng isa pang milestone. Ito ay dahil ang mga nag-aadbokasya ng kapayapaan sa Sarangani Province ay nagtipon-tipon sa planning workshop para sa Transformation Program (TP) ng mga Former Rebels (FRs). Ang kanilang dalawang araw na workshop kamakailan ay inilunsad sa Greenleaf Hotel… Continue reading LPE Cluster ng NTF-ELCAC, nagpasimula ng planning workshop para sa transformation plan ng mga dating rebelde sa Sarangani Province

Bentahan ng murang bigas sa Kadiwa store sa BAI, patuloy na tinatangkilik

Marami nang suki ang Kadiwa Store sa tanggapan ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Visayas Avenue, Quezon City. Maaga pa lang ay may pila na ng mga mamimili sa bentahan ng gulay, karne, isda, pati na ng murang bigas. Bukod kasi sa ₱29 na para sa vulnerable sector, available din dito ang tig-₱43 na… Continue reading Bentahan ng murang bigas sa Kadiwa store sa BAI, patuloy na tinatangkilik

Plant and Grow for Peace Program, isinagawa para sa ika-7 anibersaryo ng Marawi Liberation

Isinagawa ng mga ahensya ng gobyerno at iba’t ibang organisasyon mula sa komunidad ang makabuluhang tree planting activity o pagtatanim ng puno kamakailan sa deforested area sa bayan ng Maguing, Lanao del Sur. Ang nasabing aktibidad ay pinangalanang “Plant and Grow for Peace Program-Tree Planting Activity,” na kasama sa paggunita sa ika-pitong anibersaryo ng liberasyon… Continue reading Plant and Grow for Peace Program, isinagawa para sa ika-7 anibersaryo ng Marawi Liberation

MMDA sa mga may-ari ng sasakyan: Gamitin ang mass transport upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong BER-months

Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga may-ari ng sasakyan na samantalahin ang mga public mass transport system sa National Capital Region (NCR). Ito’y upang makatulong na maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Kamaynilaan na inaasahang lalala pa habang papalapit ang Pasko. Ayon kay MMDA Chairperson, Atty. Don Artes, mula nang… Continue reading MMDA sa mga may-ari ng sasakyan: Gamitin ang mass transport upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong BER-months

Kadiwa ng Pangulo, palalawakin na sa VisMin ngayong Oktubre

Plano ng Department of Agriculture (DA) na ituloy na ang pagpapalawak ng Kadiwa ng Pangulo program sa Visayas at Mindanao ngayong Oktubre. Ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, kabilang sa posibleng magbukas na rin ng Kadiwa ng Pangulo ang Cagayan de Oro at Cebu. Dagdag pa nito, mas maraming lokal na pamahalaan na ang… Continue reading Kadiwa ng Pangulo, palalawakin na sa VisMin ngayong Oktubre

Mega cold storage facility, planong itayo ng DA

Nakalatag na ang plano ng Department of Agriculture (DA) para sa pagtatayo ng mega cold storage facility para mabawasan ang post-harvest losses sa sektor ng pagsasaka. Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, masasakatuparan na ito sa pag-apruba ng ₱1.5-billion unprogrammed fund sa kagawaran. Kabilang sa planong itayo ay isang higanteng mega structure… Continue reading Mega cold storage facility, planong itayo ng DA

Temporary ban sa pag-aangkat ng live cattle at meat products sa UK, inalis na ng DA

Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa pag-aangkat ng live cattle at meat products mula sa United Kingdom. Matatandaang iniutos noong May 30 ang ban sa cattle importation sa naturang bansa dahil sa pangamba sa Mad Cow Disease. Sa inilabas na kautusan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. noong October… Continue reading Temporary ban sa pag-aangkat ng live cattle at meat products sa UK, inalis na ng DA