Pagsama sa usapin ng disaster risk reduction at climate change adaptation sa aralin ng mga estudyante, itinutulak ni Senadora Loren Legarda

Minumungkahi ni Senadora Loren Legarda na bumalangkas ng module para sa mga paaralan patungkol sa disaster risk reduction at climate chage adaptation. Ayon kay Legarda, mahalagang maaga pa lang ay namumulat na ang mga kabataan sa naturang isyu nang makatulong sila sa pagbawas sa epekto ng climate change. Suhestiyon ng senadora, magtulungan ang Department of… Continue reading Pagsama sa usapin ng disaster risk reduction at climate change adaptation sa aralin ng mga estudyante, itinutulak ni Senadora Loren Legarda

Maynilad, natapos na ang 19.69-km pipe replacement project sa North Caloocan

Nakumpleto na ng Maynilad Water Services, Inc. ang pagpapalit ng 19.69 kilometers ng luma at undersized pipes sa North Caloocan City. Kasama sa Php191-million na proyekto ang pagpapalit ng 23-year old pipes sa Barangay Bagong Silang. Umaasa ang Maynilad na makakapagdala na ng mas maraming tubig ang malalaking diameter na tubo at matugunan ang tumaas… Continue reading Maynilad, natapos na ang 19.69-km pipe replacement project sa North Caloocan

Pangulong Marcos at First Lady Liza, bumiyahe ng Jakarta Indonesia para sa inagurasyon ng bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo nito

Bumiyahe patungong Jakarta, Indonesia sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Marie Louise Araneta-Marcos. Ito’y upang dumalo sa inagurasyon ni President elect Prabowo Subianto at mauupong Pangalawang Pangulo na si Gibran Rakabuming Raka bukas, Oktubre 20. Napag-alamang ang pagtulak ng first couple ay bunsod na din ng imbitasyon ni outgoing Indonesian President Joko… Continue reading Pangulong Marcos at First Lady Liza, bumiyahe ng Jakarta Indonesia para sa inagurasyon ng bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo nito

Mga laruan na nagtataglay ng nakalalasong lead, nagkalat sa mga pamilihan

Ngayong papalapit na ang holiday season, nagkalat na sa merkado ang mga laruan na nagtataglay ng nakakalasong lead. Dahil dito, umapela na sa pamahalaan ang toxic watchdog na BAN Toxics para magsagawa ng market inspections. Batay sa kanilang market monitoring, simula noong buwan ng Setyembre, nakabili ang BAN Toxics ng iba’t ibang uri ng laruan… Continue reading Mga laruan na nagtataglay ng nakalalasong lead, nagkalat sa mga pamilihan

PCG, sumailalim sa Small Defensive Tactics Training kasama ang Estados Unidos

Sumailalim ang mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Small Vessel Defensive Tactics Training 2024 kasama ang Estados Unidos na layuning palakasin ang kanilang kakayahan sa pagharap sa mga non-compliant vessel sa karagatan. Isinagawa ang nasabing pagsasanay mula Oktubre 1 hanggang 18, kung saan sinanay ang Coast Guard sa mga tactical exercises, pag-promote ng… Continue reading PCG, sumailalim sa Small Defensive Tactics Training kasama ang Estados Unidos

Ilang bahagi ng Pau Bridge at Angat bridge, isasara sa mga motorista,ayon sa NLEX

Simula sa Lunes, Oktubre 21 hanggang 26, isasara sa mga motorista ang may 300 meter lane ng PAU Bridge Southbond ng North Luzon Expressway. Matatagpuan ang apektadong lane pagkatapos ng San Matias River Bridge. Sa abiso ng NLEX Corporation, ang pagsasara ng bahagi ng tulay ay para bigyang daan ang safety repair works. Kasabay nito… Continue reading Ilang bahagi ng Pau Bridge at Angat bridge, isasara sa mga motorista,ayon sa NLEX

Konstruksyon ng 6.89-km slope protection structure inaaasahang magbibigay proteksiyon kontra baha sa mga barangay sa Taguig City

Inaasahang pagsapit ng 2025 ay matatapos ang isinasagawang proyekto ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) para tugunan ang problema ng erosion at pagbaha sa walong barangay sa Lungsod ng Taguig. May habang 6.89 na kilometro ang slope protection structure project na babaybay sa C6 Open Channel upang bigyang proteksyon… Continue reading Konstruksyon ng 6.89-km slope protection structure inaaasahang magbibigay proteksiyon kontra baha sa mga barangay sa Taguig City

Higit 2.4 milyong biyahero, inaasahan ng PITX sa Undas 2024

Inaasahang aabot sa bilang na higit sa 2.4 milyong biyahero mula Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5 ang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa paggunita ng mga Pilipino sa panahon ng Undas 2024. Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahan nitong pinakamaraming dadagsang pasahero sa mga petsa ng Oktubre 30 at 31 sa bilang na… Continue reading Higit 2.4 milyong biyahero, inaasahan ng PITX sa Undas 2024

PH at Thailand, nagtipon sa isinagawang 6th Joint Commission for Bilateral Cooperation

Pinangunahan nina Philippine Secretary for Foreign Affairs Enrique​ Manalo at Thai Foreign Minister Maris Sangiampongsa ang pagsasagawa ng ika-6 na Philippines-Thailand Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC) kung saan natalakay ang iba’t ibang uri ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Ang​ JCBC ngayong taon ay nagmamarka rin sa ika-75 anibersaryo ng pormal na diplomatikong… Continue reading PH at Thailand, nagtipon sa isinagawang 6th Joint Commission for Bilateral Cooperation

DHSUD, hinikayat ang CREBA na palakasin pa ang suporta sa 4PH program

Hinimok ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang mga miyembro ng Chamber of Real Estate Builders’ Association Inc. (CREBA) na palakasin pa ang kanilang suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng pamahalaan. Ginawa ni Acuzar ang panawagan sa ginanap na Taunang Pambansang Kombensiyon ng CREBA sa… Continue reading DHSUD, hinikayat ang CREBA na palakasin pa ang suporta sa 4PH program