Modular tents, ipinamahagi ng Pasig LGU bilang paghahanda sa bagyong Kristine

Namahagi ng mga modular tent ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa may 30 barangay sa lungsod. Ito’y bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa posibleng pagkakasa ng preemptive evacuation sakaling lumala ang sitwasyon dulot ng bagyong Kristine. Ayon sa Pasig LGU, patuloy na pinalalakas nito ang kakayahan ng mga barangay sa pagtugon sa anumang emergency gayundin… Continue reading Modular tents, ipinamahagi ng Pasig LGU bilang paghahanda sa bagyong Kristine

Klase sa lahat ng antas sa Ozamiz City, sinuspinde dulot ng Bagyong Kristine

Screenshot

Sinuspinde ni Ozamiz City Mayor Atty. Henry F. Oaminal Jr. ang klase sa lahat ng antas sa publiko at pribadong paaralan sa lungsod ng Ozamiz epektibo ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 23, dulot ng nararanasang hagupit ng bagyong #KristinePH. Batay ito sa inilabas na abiso ng alkalde kaninang alas-4 ng madaling araw. Aniya, ito ay… Continue reading Klase sa lahat ng antas sa Ozamiz City, sinuspinde dulot ng Bagyong Kristine

Mga pasilidad at rescue assets ng Marikina LGU, nakahanda na para sa bagyong Kristine

Nakahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa epektong dulot ng bagyong Kristine. Ayon sa lokal na pamahalaan, partikular sa kanilang inihanda ang mga pasilidad gayundin ang mga kagamitan para sa posibleng rescue operations. Nakapuwesto na rin sa mga istratehikong lugar sa lungsod ang kanilang rescue assets gaya ng mga bangka na madaling magamit kung… Continue reading Mga pasilidad at rescue assets ng Marikina LGU, nakahanda na para sa bagyong Kristine

Mga na-stranded na pasahero sa mga pantalan sa Bicol, tinulungan ng DSWD

Bukod sa pag-aasikaso sa mga inilikas na pamilya sa mga binahang lugar ay abala din ang Department of Social Welfare and Development DSWD) Field Office (FO) sa rehiyon ng Bicol sa pagpapaabot ng tulong sa mga indibidwal na na-stranded sa mga pantalan kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa Tabaco Port, Albay, halos 645 pasahero… Continue reading Mga na-stranded na pasahero sa mga pantalan sa Bicol, tinulungan ng DSWD

Biyahe ng RORO vessels sa pagitan ng Guimaras at Iloilo, suspendido

Sinuspinde ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng RORO vessels na may rutang Iloilo-Guimaras at vice versa ngayong umaga. Sinuspinde ang biyahe dahil sa advisory ng PAGASA na ang Iloilo at Guimaras ay isinailalim sa Public Storm Warning Signal No. 1 dahil sa Bagyong Kristine. Bukod pa rito, may gale warning din ang PAGASA sa… Continue reading Biyahe ng RORO vessels sa pagitan ng Guimaras at Iloilo, suspendido

Philippine Air Force, tumulong na rin sa evacuation and rescue ops kaugnay ng bagyong Kristine

Kumikilos na rin ang Philippine Air Force (PAF) sa evacuation and rescue operations katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Ito’y kasunod pa rin ng pananalasa ng bagyong Kristine na nagbabanta sa malaking bahagi ng Luzon. Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, naka-standby ang kanilang mga tauhan gayundin air at ground assets… Continue reading Philippine Air Force, tumulong na rin sa evacuation and rescue ops kaugnay ng bagyong Kristine

Spillways sa Lucena at Sariaya, Quezon, hindi pa gaanong apaw

Kalmado at hindi gaanong mataas ang lebel ng tubig sa spillway sa Barangay 5, Lucena City, sa kabila ng magdamag na pag-ulan sa lungsod. Gayunpaman, hindi na pinadadaanan ang spillway upang makaiwas sa disgrasya ang mga motorista. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas Lucena, isang puno rin ang natumba sa kahabaan ng Maharlika Highway, sa tapat… Continue reading Spillways sa Lucena at Sariaya, Quezon, hindi pa gaanong apaw

DSWD, puspusan na sa repacking ng food packs para sa mga apektado ng bagyong Kristine

Walang tigil na ang ginagawang pagkakarga at repacking ng Family Food Packs (FFPs) ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at volunteers sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City. Ito ay para masigurong magiging sapat ang stocks sa mga DSWD warehouses bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Kristine. Ayon… Continue reading DSWD, puspusan na sa repacking ng food packs para sa mga apektado ng bagyong Kristine

Bagyong Kristine, posibleng mag-landfall na mamayang gabi — PAGASA

Posibleng tumama na sa kalupaan o mag-landfall mamayang gabi ang bagyong Kristine. Batay sa 8am weather forecast ng PAGASA, kung hindi magbabago ang track ng bagyo, ito ay magla-landfall sa Isabela o Northern Aurora mamayang gabi o bukas ng umaga. Ayon pa sa PAGASA, inaasahang lalakas pa sa Severe Tropical Storm ang bagyo bago mag-landfall.… Continue reading Bagyong Kristine, posibleng mag-landfall na mamayang gabi — PAGASA

Mga pamilyang nagsasabing sila ay mahirap, bumaba — OCTA survey 

Bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay naghirap at nakaranas ng gutom sa ikatlong quarter ng 2024, batay sa resulta ng OCTA Research survey. Sa pinakahuling Tugon ng Masa survey, lumalabas na bumaba sa 43% o tinatayang 11.3 milyong pamilya sa bansa ang itinuturing ang sarili na mahirap. Nasa limang porsyentong… Continue reading Mga pamilyang nagsasabing sila ay mahirap, bumaba — OCTA survey