Mahigit kalahating milyong customer ng MERALCO, nawalan ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine

Mahigit kalahating milyong customer ng MERALCO, nawalan ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine Puspusan na ang ginagawang restoration activities ng Manila Electric Company (MERALCO) sa mga lugar na nawalan ng suplay ng kuryente dulot ng pananalasa ng bagyong Kristine. Batay sa pinakahuling ulat ng MERALCO, aabot sa 535,000 customer nito ang nakaranas ng… Continue reading Mahigit kalahating milyong customer ng MERALCO, nawalan ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine

Pinapakalat na larawan na nagbabakasyon umano ang mga Villafuerte sa Siargao habang nananalasa ang bagyong Kristine, fake news

Tinawag na fake news at paninira ni Camarines Sur 1st District Representative LRay Villafuerte ang kumakalat na litrato na siya at si CamSur Governor Luigi Villafuerte at mga SK officials ay nagbabakasyon sa Siargao habang nananalasa ang bagyong Kristine. Giit ni Villafuerte, noong nakaraang Sabado pa kuha ang mga litratong pinapakalat sa social media. Lunes… Continue reading Pinapakalat na larawan na nagbabakasyon umano ang mga Villafuerte sa Siargao habang nananalasa ang bagyong Kristine, fake news

Higit 600 indibidwal sa Valenzuela, inilikas dahil sa bagyong Kristine

Aabot ngayon sa 180 pamilya o katumbas ng 654 na mga indibidwal ang nananatili sa evacuation centers sa Valenzuela City bunsod ng epekto ng bagyong Kristine. Sa tala ng City Social Welfare and Development, sa kasalukuyan ay may limang bukas na evacuation sites sa lungsod. Pinakamarami ang nananatili sa Valenzuela National High School sa Brgy.… Continue reading Higit 600 indibidwal sa Valenzuela, inilikas dahil sa bagyong Kristine

86 Electric Coops, apektado ng bagyong Kristine — NEA

Aabot na sa 86 Electric Cooperatives (ECs) mula sa 52 lalawigan sa bansa ang apektado ng hagupit ng bagyong Kristine ayon sa National Electrification Administration (NEA). Sa tala ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), anim na Electric Coop ang nagpatupad ng total power interruption mula pa noong Martes, bunsod ng problema sa… Continue reading 86 Electric Coops, apektado ng bagyong Kristine — NEA

Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine sa Bicol Region, sumampa na sa 20

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol Region. Batay sa ulat ni Police Regional Office-5 Director, Police Brig. Gen. Andre Dizon sa Kampo Crame as of 7am ay umakyat na sa 20 ang mga naitatala nilang nasawi dahil sa bagyo. Mula sa nasabing bilang, pito rito… Continue reading Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine sa Bicol Region, sumampa na sa 20

5 dam sa Luzon, patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig — PAGASA

Patuloy sa pagbabawas ng tubig ang ilang dam sa Luzon dahil sa mga pag-ulan sa reservoir na dulot ng bagyong Kristine. Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, kabilang sa nagpapakawala ng tubig ang Ipo Dam, Ambuklao, Binga, San Roque, at Magat Dam. As of 8am, nasa 100.79 meters ang lebel ng tubig sa Ipo Dam… Continue reading 5 dam sa Luzon, patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig — PAGASA

Humanitarian Caravan, inihatid ng Red Cross sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine

Dinala na ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang Humanitarian Caravan sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Kristine. Laman ng kanilang relief trucks ang mga food at non-food items gaya ng jerry cans, hygiene kits, sleeping kits, at kitchen sets. Nakakalat na rin ang kanilang rescue teams kasama ang kanilang mga kagamitan na… Continue reading Humanitarian Caravan, inihatid ng Red Cross sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine

3 truck na nagkasagian at tumirik sa Araneta Ave., di pa rin naiaalis

Isang lane pa rin ang nadaraanan ng mga motorista sa Araneta Avenue, patungong Quezon Avenue dahil sa nakahambalang na tatlong truck sa kalsada. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagkasagian ang tatlong truck sa kasagsagan ng ulan kanilang pasado alas-3 ng madaling araw matapos mag-counterflow ang dalawang 10-wheeler truck at hindi napansin ang padaang… Continue reading 3 truck na nagkasagian at tumirik sa Araneta Ave., di pa rin naiaalis

Marikina City Rsscue 161, nananatiling naka-antabay sa lagay ng Ilog Marikina kahit pa balik normal na ang lebel ng tubig dito

Mahigpit pa ring binabantayan ng Marikina City Rescue 161 ang sitwasyon sa Ilog Marikina kahit pa balik-normal na ito matapos na itaas sa unang alarma kaninang madaling araw. As of 8am, bumaba na sa 14.3 meters ang lebel ng tubig sa naturang ilog subalit hindi pa rin isinasantabi ng mga awtoridad ang posibilidad na muli… Continue reading Marikina City Rsscue 161, nananatiling naka-antabay sa lagay ng Ilog Marikina kahit pa balik normal na ang lebel ng tubig dito

Mahigit 20,000 residente sa Western Visayas, apektado ng Bagyong Kristine ayon sa OCD-6

Nasa 4,602 pamilya o 20,403 residente sa Western Visayas ang apektado ng Bagyong Kristine. Ito ay batay sa pinakahuling monitoring ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 6. Ang mga apektadong residente ay mula sa 83 barangay sa mga probinsya ng Iloilo, Negros Occidental, Capiz, at Aklan. Karamihan sa mga apektadong residente ay nasa evacuation… Continue reading Mahigit 20,000 residente sa Western Visayas, apektado ng Bagyong Kristine ayon sa OCD-6