DepEd at IBP, nagkasundo para sa pagbibigay ng legal na tulong sa mga guro at kawani ng public schools

Pormal nang nilagdaan ang kasunduan para sa libreng legal na tulong sa mga guro at kawani ng mga pampublikong paaralan. Lumagda ngayong araw ang Department of Education (DepEd) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa isang Memorandum of Agreement (MOA). Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang pakikipagtulungan sa IBP ay makatutulong sa mga… Continue reading DepEd at IBP, nagkasundo para sa pagbibigay ng legal na tulong sa mga guro at kawani ng public schools

Ilang kaanak ng mga napatay sa war on drugs ng Duterte administration, inilahad sa Senado ang kanilang karanasan

Screenshot

Sinalaysay ng ilang kaanak ng mga napatay sa war on drugs ng Duterte administrasyon ang karanasan nila noong mga panahong iyon. Unang nagsalita si Randy delos Santos na tiyuhin ni Kian delos Santos, ang labing pitong taong gulang na binatilyo napaslang noong August 2017 at pinagbintangang nagbebenta ng iligal na droga. Binahagi ni Delos Santos… Continue reading Ilang kaanak ng mga napatay sa war on drugs ng Duterte administration, inilahad sa Senado ang kanilang karanasan

Pilipinas, kinilala ng World Bank sa nakamit na double achievement and strong economic growth at improvement para itaas ang antas ng buhay ng mga Pilipino

Pinuri ng World Bank ang Pilipinas sa tagumpay na nakamit sa job creation at poverty reduction. Sa pulong ni Finance Secretary Ralph Recto at World Bank Group Managing Director of Operations Anna Bjerde, napag-usapan ang rapid economic growth ng bansa kung saan nakuha ang 4% na kabawasan sa unemployment rate. Ayon kay Bjerde, kapuri-puri din… Continue reading Pilipinas, kinilala ng World Bank sa nakamit na double achievement and strong economic growth at improvement para itaas ang antas ng buhay ng mga Pilipino

AFP chief of Staff General Romeo Brawner Jr., nanguna sa aerial survey at relief operations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Kristine

Personal na nagtungo si Armef Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol. Pinangunahan ni General Brawner ang aerial survey sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo partikular na sa Naga City, Milaor, at Bula. Layon nitong masuri ang lawak… Continue reading AFP chief of Staff General Romeo Brawner Jr., nanguna sa aerial survey at relief operations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Kristine

97 na mga lungsod at munisipalidad sa Bicol Region, nanatiling baha, ayon sa OCD

Nananatiling lubog sa baha ang 97 na mga lungsod at munisipalidad sa Bicol Region. Sa isang press briefing sa Office of the Civil Defense (OCD), ibinahagi ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, na sa kasalukuyan ay 97 na mga lungsod at munisipalidad ang nakararanas pa rin ng pagbaha. Ito ay mas mababa kumpara sa orihinal… Continue reading 97 na mga lungsod at munisipalidad sa Bicol Region, nanatiling baha, ayon sa OCD

Bicol River Basin Development Project, inaasahang masisimulan sa 2026, ayon sa DPWH

Inaasahang masisimulan sa taong 2026 ang Bicol River Basin Development Project na naglalayong mabawasan ang pinsala ng pagbaha sa rehiyon. Sa press briefing sa Office of the Civil Defense (OCD), sinabi ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno na bago pa man dumating ang bagyong Kristine, naglabas na ng executive order si Pangulong Ferdinand R. Marcos,… Continue reading Bicol River Basin Development Project, inaasahang masisimulan sa 2026, ayon sa DPWH

Commitment ng pamahalaan na labanan ang kagutuman at kahirapan sa bansa, binigyang diin ni Pangulong Marcos

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng kaniyang administrasyon na labanan ang kagutuman at kahirapan sa bansa. Sa presentasyon ng kalalagda lamang na Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Joint Memorandum Circular (October 28), sinabi ng Pangulo na ang hakbang na ito ay pagpapakita ng determinasyon ng pamahalaan na tuparin… Continue reading Commitment ng pamahalaan na labanan ang kagutuman at kahirapan sa bansa, binigyang diin ni Pangulong Marcos

LTO, magpapadala ng relief goods sa Bicol Region para sa mga sinalanta ng bagyong Kristine

Ihahatid ng Land Transportation Office (LTO) sa Bicol Region ang relief goods para sa mga biktima ng bagyong Kristine. Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, mga sako-sakong bigas, hygeine kits at iba pang basic necessities ang donasyon na ipapadala sa lalawigan mula sa kanilang pamilya. Pinuri din ng LTO Chief ang lahat ng LTO… Continue reading LTO, magpapadala ng relief goods sa Bicol Region para sa mga sinalanta ng bagyong Kristine

Limang Teams mula sa Region 6, naka-standby upang tumulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine sa Bicol Region

May limang teams ang naka-standby sa Region 6 na nakahandang tumulak sa Bicol Region para tumulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine. Sa nasabing bilang, tatlong teams ang mula sa Philippine Coast Guard Western Visayas, isang team mula sa Federation Fire Iloilo, at isang team mula sa Iloilo provincial government. Inihayag ni Office of Civil… Continue reading Limang Teams mula sa Region 6, naka-standby upang tumulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine sa Bicol Region

Pahayag ni dating Pangulong Duterte na nananatiling talamak ang krimen sa bansa, walang katotohanan — Malacañang

Nilinaw ng Malacañang na walang katotohanan ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling talamak ang krimen sa Pilipinas. Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, base sa datos mula sa Philippine National Police (PNP), nakakita ng malaking pagbaba sa pigura ng krimen sa bansa. “With due respect to former President Rodrigo Duterte- there is… Continue reading Pahayag ni dating Pangulong Duterte na nananatiling talamak ang krimen sa bansa, walang katotohanan — Malacañang