Muling nakapuntos ang Pamahalaan sa laban nito kontra mga Communist Terrorist Group (CTGs).
Ito’y matapos mapatay ng mga tropa ng Pamahalaan ang 3 miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa engkuwentro nila sa Sitio Bagong Silang, Brgy. Manila, bayan ng Kapai, Lanao del Sur.
Batay sa ulat ng Joint Task Force ZamPeLan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi bababa sa 6 na CTGs ang kanilang naka-engkuwentro.
Pinaniniwalaang bahagi ang mga naka-engkuwentrong Terrorista ng Sub-Regional Committee 5, North Central Mindanao Regional Committee.
Nagresulta ang bakbakan ng 15 minuto at nasamsam naman ang matataas na kalibre ng armas gaya ng M16 rifles, M653 rifle at isang M14 rifle.
Wala namang nasawi o nasugatan sa panig ng Pamahalaan. | ulat ni Jaymark Dagala