May magandang development na sa kaso ng pamamaslang kina Association of Barangay Council (ABC) Bulacan President Ramilito Bautista Capistrano at driver nito na si Shedrick Suarez Toribio sa Malolos City, Bulacan noong October 3.
Sa ulat mula kay PRO 3 Regional Director, PBGen Red Maranan, natukoy at nasampahan na ng reklamo ang 2 suspek at 2 kasabwat ng mga ito sa City Prosecutor’s Office ng Malolos City.
Kasunod nito, pinuri ni Maranan ang trabaho ng Special Investigation Task Group CAPISTRANO sa pangunguna ni PCOL SATUR EDIONG na Provincial Director of Bulacan Police Provincial Office.
Ang pagsasampa umano ng reklamo ay patunay ng kanilang testamento sa paghahatid ng hustisya sa pamilya ng mga biktima.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanap ng PRO 3 sa mga suspek sa pagpatay. | ulat ni Jaymark Dagala