Patuloy umano ang pagsisikap ng mga kasundaluhan mula sa 9th Infantry Division (9ID), Philippine Army upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente gaya ng pagsasagawa ng rescue operations, evacuation, transportation assistance at road clearing matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol region.
Sa nakalipas na mga araw, ang mga kasundaluhan ay nakatuwang sa paglilikas ng mga pamilyang na-trap, paglilinis ng mga kalsadang nabarahan ng debris, at paghahatid ng mahahalagang suplay sa mga nangangailangan.
Tiniyak naman ng pamunuan ng 9ID ang mabilis at epektibong pagtugon upang mabawasan ang epekto ng bagyo, at sa mas mabilis na pagbangon.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na umano ang 9ID sa iba’t ibang ahensya para sa isasagawang mga relief operations. | ulat ni Vanessa Nieva, Radyo Pilipinas Naga
Photos: 9ID, Philippine Army