Ipinaabot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa kanilang ASEAN counterparts.
Kasunod ito ng nagpapatuloy na Humanitarian Assitance at Disaster Response Operations partikular sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine.
Una rito, dumating na sa bansa ang C-130 cargo plane mula sa Singapore Air Force, Eurocopter mula sa Royal Malaysian Air Force gayundin ang Europcopter at C-295 aircraft ng Burnei Air Force bitbit ang mga ayuda sa mga apektado ng bagyo.
Puspusan ang pakikipag-ugnayan ng AFP sa Office of Civil Defense (OCD) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tiyakin na maipa-aabot sa tamang oras ang mga kinakailangang ayuda.
Ayon kay Brawner, ang pagtutulungan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay patunay ng matatag na relasyon ng Pilipinas sa disaster resilience gayundin ng pagdadamayan sa panahon ng pangangailangan. | ulat ni Jaymark Dagala