Hinamon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang bagong liderato ng Quezon City Police District (QCPD) na iprayoridad ang kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan ng lungsod Quezon.
Apela ito ng alkalde matapos italaga bilang bagong acting chief ng QCPD si PCol. Melecio Buslig, Jr., kapalit ni PBGen. Redrico Maranan.
Sa panig ni General Maranan umaasa siya na ipagpapatuloy ni Col. Buslig ang mga proyekto ng QCPD partikular ang peace and order sa lungsod.
Si General Maranan ay itinalaga bilang bagong director ng Police Regional Office 3.
Pinuri din ni Belmonte ang mahusay na serbisyo ni General Maranan bilang QCPD director.
Napababa nito ang crime rate sa lungsod kasabay ng pagpapatupad ng mga polisiya na makakatulong sa residente ng lungsod. | ulat ni Rey Ferrer