Isa nang ganap na batas ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization bill matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Senate bill 2455.
Sa ilalim ng Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act ay isusulong nito ang preference o pagpili sa filipino-owned enterprises para sa development, produksyon, o servicing ng mga materyales para sa military technology, weapon systems, armas, ammunition, combat clothing, armor, vehicles, at iba pang military equipment.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nitong magiging less dependent ang Pilipinas sa foreign suppliers kung pag uusapan ay pag aangkat ng armas.
Magsisilbi aniyang guiding document ang National Defense Industry plan ayon sa Pangulo para sa minimithing mapalakas ang defense system ng bansa sa hinaharap.
Sa pamamagitan aniya ng kalalagda lang na batas ay malilikha ang isang independent defense posture ng bansa. | ulat ni Alvin Baltazar