BHW Party-list, tuloy-tuloy din sa pagsasagawa ng relief ops para sa mga sinalanta ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang relief efforts ng mga barangay health workers at BHW Party-list para sa mga sinalanta ng bagyong Kristine.

Ayon kay BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co, bukas ang kanilang relief sites sa iba’t ibang panig ng bansa para tumanggap ng mga tulong.

Kabilang aniya dito ang Guinobatan, Legazpi City, at Sto. Domingo sa Albay.

Mayroon din aniyang site para sa mga apektado sa Norte at CLABARZON-MIMAROPA area.

Aniya, magiging bukas ang relief centers nila hanggang sa may nangangailangan ng tulong.

“We will keep our relief ops going as long as we can and as necessary. Bayanihan is the call to action of this moment when the people need help the most,” sabi ni Co.

Sa mga nais magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine maaari aniya mag-donate sa pamamagitan ng BHW Party-list at makipag-ugnayan sa mga sunusunod na numero:
 
BHW Partylist Hotline Numbers:
 
LUZON A (NCR, CAR, Region 1, 2, 3)
TESA – 09274918634
 
LUZON B (Region 4-A, 4-B, 5)
ANGELO – 09054267148
 
Maaari namang ipadala ang donasyon sa:
 
HOWO Truck (PHILS.) Corporation
Himlayan Road, Quezon City, Metro Manila. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us