Patuloy ang pag-apela ni Camarines Sur Representative Migz Villafuerte para sa karagdagang rubber boat.
Ayon sa mambabatas, dahil sa marami pa ring lugar sa lalawigan ang lubog sa tubig baha, kailangan ng bangka o kayak para maihatid doon ang mga relief goods.
Sinubukan aniya nilang maghanap sa mga malalaking supermarket ngunit nagkaubusan na.
Kaya naman para aniya sa mga may rubber boat o kayak na handa ito ipagbili, ay bibilhin aniya nila ito sa risonableng halaga.
“Aside from potable water, relief goods, we are still in desperate need of boats. Hindi na po pang-rescue ang nangyayari ngayon, kung hindi, pang-deliver ng mga goods sa mga bahang-baha pang lugar…Yung mga may sariling kayak, sa reasonable price, bilhin po namin yan para ipagamit, mapadala ang mga relief goods,” ani Villafuerte.
Samanatala, higit 30 rubber boats na ang naipadala sa Bicol region sa tulong ni Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Party-list.
Linggo ng hapon dumating ang ikatlong batch ng rubber boats na 15 ang bilang.
Bago ito ay may nauna nang dalawang batch na may 17 rubber boats. | ulat ni Kathleen Jean Forbes