Inanunsyo ng Clark International Airport Corporation ang bagong inisyatiba nito na lumikha ng mga kuwalipikado at high performing personnel na pasok sa global demand sa mga manggagawa sa industriya ng aviation.
Ito’y sa pamamagitan ng paghulma ng mga magagaling na tauhan para sa kanilang state of the art facilities na pagmamay-ari ng Pamahalaan.
Batay sa datos ng 2023 Aviation Talent Forecast ng CAE Inc. na isang Canadian aviation training service provider, inaasahang makapagsasanay ang CAC ng 1.3-M civil aviation professionals sa susunod na 10 taon.
Kinabibilangan ito ng 284,000 piloto, 402,000 technicians at 599,000 bagong cabin crew staff. | ulat ni Jaymark Dagala