Nakatakdang maglabas ang Commission on Election ng resolusyon kaugnay sa kaso ni dating Bamban Mayor Alice Guo sa Comelec ngayong linggo.
Sinabi ni Comelec Chair George Erwin Garcia na maliban sa kaso ni Guo sa Office of the Ombudsman, may kaso rin itong kinahaharap sa Comelec at ito at ang pagsisinungaling sa nirerequire ng Omninus Election Code.
Sakali anyang mapatunayan ng Commission en banc ang rekomendasyon ng kanilang Law Department na kasuhan and dating alkalde ng kasong kiminal dahil sa misrepresentation maliban ito sa kasong criminal din na nakasampa sa Ombudsman.
Giit ng poll chief, ang kanilang commitment sa paglalabas ng resolution sa kaso ni Guo.
Una nang sinabi ng opisyal na bahagi ng kanilang ministerial duty na tanggapin ang Certificate of Candidacy ni Guo sakaling magfile ito ng CoC hanggang bukas, ngunit pagdidiin nito na maaari nilang harangin ang kanyang pagtakbo sa halalan base sa kinahaharap nitong kaso sa Ombudsman hanggang hindi ito nakakakuha ng temprorary restraining order sa Court of Appeals. | ulat ni Melany Reyes