Walang tigil na ang ginagawang pagkakarga at repacking ng Family Food Packs (FFPs) ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at volunteers sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City.
Ito ay para masigurong magiging sapat ang stocks sa mga DSWD warehouses bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Kristine.
Ayon sa DSWD, nakikipag-ugnayan na ang kanilang Field Offices (FOs) sa lahat ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan na daraanan ng bagyo para sa mabilisang pagpapadala ng mga kakailanganing tulong.
Samantala, as of October 23, umakyat na sa higit 100,000 pamilya o 457,489 na indibidwal mula sa pitong rehiyon ang naitala ng DSWD na apektado ng bagyong Kristine. | ulat ni Merry Ann Bastasa