Patuloy pang tumataas ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Julian sa ilang rehiyon sa bansa.
Ayon sa Department ofAgriculture-DRRM Operations Center,
umabot na sa P607.38-M ang halaga ng pinsala sa mga pananim at mga pasilidad sa agrikultura.
May 33,110 magsasaka at 17,344 ektarya ng agricultural areas ang apektado na at nasa 25,407 metric tons ng dami ng produksyon ang hindi na mapakinabangan.
Partikular na sinalanta ang mga pananim na palay, mais, high value crops, mga alagang hayop at manok, irigasyon at mga pasilidad sa agrikultura.
Naitala ang malaking pinsala sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Ilocos Regions.
Sabi ng DA, asahan pa raw ang pagtaas ng halaga ng pinsala habang nagpapatuloy pa ang ginagawang assessment at validation ng mga DA Regional Office.