Aabot sa halos 200 personalidad ang inaasahan ng Commission on Elections-National Capital Region na maghahain ng kandidatura sa pagka-kongresista.
Ito’y sa buong panahon ng paghahain ng Certificate of Candidacy at Certificates of Nomination and Acceptance para sa 2025 midterm elections simula ngayong araw, October 1 at magtatapos sa October 8, 2024.
Sa ambush interview kay COMELEC-NCR Assistant Regional Director Atty. Jovy Balanquit, mayroong 35 distrito sa NCR.
Kung ipapalagay umanong dalawa ang maglalaban kada distrito ay aabot ito ng 70 at kung aabot naman ng hanggang apat ay aabot ng 140.
Gayunman, maliban sa mga partido pulitikal mayroon ding mga independent candidate na inaasahang maghahain ng kandidatura kaya posibleng umabot ng 200 ang mga nagnanais maging kongresista.
Bagaman marami ang inaasahan na maghain ng COC ngayong araw, marami rin ang inaasahan na maghain ng COC sa October 8 dahil sa paniwalang swerte ang numero otso. | ulat ni Jaymark Dagala