Sa pakikipagtulungan sa International Committee of the Red Cross (ICRC), inilunsad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang isang Health Information System (HIS) Project na layong matutukan ang serbisyong pangkalusugan sa mga PDLs sa bansa.
Ayon sa BJMP, target ng proyekto na matiyak na lahat ng Persons Deprived of Liberty (PDL) ay maisasailalim sa medical screening bago madetine at upang agad matukoy kung sila ay may sakit o health histories.
Magsisilbing gabay din ang record sa Health Information System (HIS) para sa pagbuo ng healthcare policies sa bilangguan.
Sa isinagawang handover ceremony, nagpasalamat si BJMP chief Jail Director Ruel Rivera sa ICRC sa pagpopondo nito at pagbibigay ng training para sa maayos na implementasyon ng HIS Project.
“We thank the ICRC for its generosity in funding the entire initiative, for training our implementors, and for intentionally capacitating the Bureau in terms of its health services,” Jail Director Rivera.
Sa ilalim ng HIS Project, 100% ng PDLs ang target na magkaroon ng individual health records, at lahat ng 486 BJMP facilities ay kailangang magsumite ng monthly health reports sa lagay ng PDLS. | ulat ni Merry Ann Bastasa