Nakapagpaabot ng halos P100-M tulong pinansyal ang pamahalaan sa pangunguna ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa may 11,808 na benepisyaryo sa Davao Region.
Ikinasa ang AKAP payout sa iba’t ibang bayan sa Davao region katuwang ang DSWD, Office of the Speaker at Tingong party-list.
Pagtiyak ni House Speaker Martin Romualdez na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang atas ng Pang. Marcos na ibaba ang tulong ng gobyerno sa taumbayan.
“From the national level down to local officials, President Marcos is working very hard through unity and cooperation to deliver meaningful support and uplift the lives of the Filipino people,” sabi ni Speaker Romualdez.
Sa ginawang AKAP payout sa Davao de Oro State College (DDOSC) New Bataan Campus, 2,190 na mag aaral ang nakatanggap ng tig- P2,000.
Ikinasa rin ang pagpaaabot ng tulong sa 2,288 na indibidwal sa Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Tagum City na pinagkalooban ng tig-P10,000.
Mayroon din 5,609 na benepisyaryo mula Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City ang nakatanggap ng kaparehong halaga.
Kasabay naman ng National Teacher’s Day noong Oktubre 5, 1,721 private school teachers mula Tagum ang nabigyan ng tig-P5000 mula sa AKAP.
“The Marcos administration is very responsive to the needs of our people, and it is our commitment that no Filipino should feel abandoned during crises. Tingog will always work hard to ensure that aid will be delivered to those who need it most,” ani Rep. Yedda Romualdez.
“Tingog, being a consistent partner of the Marcos administration in providing help to all sectors, will continue to champion efforts that bring tangible support to our people. Whether it is healthcare workers, students, educators, and others, they all deserve timely assistance.” dagdag ni Rep. Acidre. | ulat ni Kathleen Forbes