Simula sa Lunes, Oktubre 21 hanggang 26, isasara sa mga motorista ang may 300 meter lane ng PAU Bridge Southbond ng North Luzon Expressway.
Matatagpuan ang apektadong lane pagkatapos ng San Matias River Bridge.
Sa abiso ng NLEX Corporation, ang pagsasara ng bahagi ng tulay ay para bigyang daan ang safety repair works.
Kasabay nito ang pagsasara din ng Angat Bridge Southbound pagkatapos ng Pulilan Interchange.
Isasailalim sa safety repair works ang middle lane o lane 2 ng Angat Bridge simula sa Lunes hanggang Biyernes.
Kasama din sa pagkumpuni ang rightmost lane o line 3 ng Angat Bridge simula sa Nobyembre 4 hanggang 9 ng hapon. | ulat ni Rey Ferrer