Inilunsad ng kapwa Japan International Cooperation Agency (JICA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinalawak na bypass road sa Bulacan, na hudyat ng pagkumpleto ng Phase III ng Arterial Road Bypass Project (ARBP).
May habang 25-kilometro ang nasabing national road na inaasahang magbibigay ng alternatibong ruta na mag-uugnay sa Central Luzon at Metro Manila, gayudin ang pagbibigay gaan ng trapiko sa mga pangunahing bayan ng Bulacan tulad ng Guiguinto, Plaridel, Pulilan, at Baliuag. Kasama rin ang malaking pagbawas sa oras ng biyahe mula Balagtas at San Rafael.
Inalis din ng nasabing kalsada ang 15,000 sasakyan mula sa Pan-Philippine Highway sa pamamagitan ng apat na lane nito na resulta ng isinagawang widening.
Sinasabing pinondohan ang proyekto sa pangunguna ng tulong pinansyal mula sa JICA, kabilang ang iba pang malakihang kooperasyong pang-imprastraktura gaya ng mga kalsada at tulay sa iba pang bahagi ng bansa.| ulat ni EJ Lazaro