Inaasahang pagsapit ng 2025 ay matatapos ang isinasagawang proyekto ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) para tugunan ang problema ng erosion at pagbaha sa walong barangay sa Lungsod ng Taguig.
May habang 6.89 na kilometro ang slope protection structure project na babaybay sa C6 Open Channel upang bigyang proteksyon ang mga barangay sa Taguig na kinabibilangan ng Barangay Napindan, Palingon, Sta. Ana, San Miguel, Wawa, Hagonoy, New Lower Bicutan, at Lower Bicutan.
Bukod sa pagbibigay ng proteksyon laban sa baha, plano rin ng DPWH na magdagdag ng mga sustainable features sa istruktura gaya ng jogging lane.
Ang nasabing proyekto ay isa lamang sa mga pangunahing inistiyatiba ng ahensya sa pagkontrol ng tubig baha sa Metro Manila. | ulat ni EJ Lazaro