Lawak ng pinsala sa mga kabahayan sa Masbate dahil sa bagyong Kristine, inaalam na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon si Masbate 3rd District Representative Tonton Kho sa mga barangay captain sa kaniyang distrito na makipag-ugnayan sa kaniyang tanggapan ukol sa mga nasirang bahay at ari-arian dahil sa bagyong Kristine.

Sa paraang ito, mabilis aniya na mave-verify ng mga opisyal ng barangay ang lawak ng pinsala at matukoy ang halaga ng assistance na kakailanganin.

Sisikapin aniya nila na mabigyan ng tulong-pinansyal ang lahat ngunit pakiusap niya na maging makatotohanan sa listahan para matulungan ang tunay na nangangailangan.

Kasama ang distrito ni Kho sa 22 Congressional district na makatatanggap ng ₱15 million na cash assistance mula sa AICS Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). At 2,500 na relief packs na inihanda ng Office of the Speaker at Tingog Party-list katuwang ang Ako Bicol Party-list. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

📸 Masbate CDRRMO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us